^

True Confessions

Ebo at Adan (ika-21 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni D.M.L.)

TAMA ako. Maliban sa itim na gown ay wala nang iba pang suot ang modelo. Nang maalis ang gown ay tila nalulon ng mga kalalakihan ang kanilang dila. Halos lahat ay nakatingin sa modelong hindi naman maganda pero makinis at may hubog ang katawan. Pati ang kasamahan kong si Nick ay hindi kumuku- rap sa pagkakatingin sa babae. Halatang ngayon lamang nakapasok sa ganitong club si Nick.

Mahusay sumayaw ang babae. Praktisadung-praktisado. Umiindayog ang magandang katawan sa saliw ng musika. Sabay na sabay. Walang pagkakamali sa bawat hakbang, pagliyad, at ang matindi ay ang pagtuwad.

"Grabe ang babaing ito, Dan. Wild!" sabi ni Nick na hindi naman inaalis ang tingin sa babaing nakatuwad.

Kung anu-ano pa ang ginawa ng babae hang-gang sa matapos ang kanyang show. Hindi maalis sa akin ang kanyang ginawa. Pero wala akong maramdamang igting sa pagkalalaki. O talagang ganoon. Hindi ako nasisiyahan kapag nakikita na ang kaselanan. Mas maganda kung hahanapin iyon. O sadyang wala na ngang pakinabang si "Sir Peter"?

At lalo pa akong na- saktan nang sabihin ni Nick na "tinamaan" siya sa ginawa ng babae. Lalo pa raw nang tumuwad na nakita niya ang kayamanan.

Mabuti pa ang loko at tinamaan. Ako ay wala. Siguro nga ay malala na ang erectile dysfunction ko.

Kumuha pa ako ng dalawang boteng beer, isang order ng fried chicken wings with chili.

"Uminom pa tayo Nick," sabi ko.

"Mukhang may binabalak ka Dan. Mukhang pag-uwi mo e panggigi-gilan mo si kumander..." at saka nagtawa.

Para akong nainsulto. Hindi ako nagpahalata kay Nick. Inupakan ko ang chicken wings at pagkatapos ay tinungga ko ang namamawis na beer sa bote, Ubos. Sumabay si Nick at naubos agad namin ang beer.

"Ako naman ang kukuha, Dan. Ginaganahan ako."

"Sige!"

"Para pag-uwi ko, masarap ang "pag-aano" namin ni misis..."

Ang loko at may binabalak pala.

"Masyado akong nadala sa ginawa ng babaing iyon. Ano kayang pangalan ng babaing iyon Dan."

"Siguro ay Wilda."

"Bakit Wilda?"

"Wild. Mabangis!"

Napahagakgak si Nick.

Kinabukasan ay nagbalik ako sa club na iyon. Hindi para uminom kun-di para sa babaing si "Wilda". Gusto ko siyang makilala. (Itutuloy)

AKO

ANO

BAKIT WILDA

MUKHANG

NICK

SIGURO

SIR PETER

WILDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with