^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-84 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

KINABUKASAN, nagpaalam na si Ate Au. Matindi ang paalaman namin. Hindi napigilan ni Inay na umiyak sa pag-alis ng kaibigan.

"Dalawin mo naman kami, Au..." sabi ni Inay.

"Oo. Kapag hindi pa ako makakaalis patungong Hong Kong para mag-DH, dadalaw uli ako rito…"

"Mag-aabroad ka Ate Au?" tanong ko.

"Oo. Hiling ko, ipagdasal n’yo ako na makaalis kaagad…"

"Ipagdarasal ka namin Ate."

"Tapusin mo na ang pag-aaral mo Che. Mas maganda kung matatapos ka para secure ang buhay."

"Iyon talaga ang gagawin ko, Ate Au. Mula pa noon, talaga namang naipangako ko na magtatapos ako. Ang pagpasok ko sa Black Roses ay pansamantala lang."

Ilang araw ang lumipas at ang inatupag ko ay ang paghaha-nap ng trabaho. Malakas ang kutob ko na makahahanap ako ng trabaho. Isang marangal na trabaho.

Nag-aplay akong saleslady sa isang department store. Natanggap naman ako. Iyon nga lang contractual. Pagkaraan ng anim na buwan, jobless na uli. Pero naisip ko, kailangan kong magkatrabaho kahit man lang anim na buwan para may makain kami. At para rin maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral.

Nakabantay ako sa aking puwesto sa department store dakong alas-onse nang isang may edad ng lalaki ang napansin kong tingin nang tingin sa akin. Hindi ko pinansin ang lalaki.

Maya-maya, nakita ko na namang dumaan sa may puwesto ko ang lalaki at nakatingin na naman sa akin. Kinabahan na ako.

(Itutuloy)

AKO

ATE AU

AU

BATAY

BLACK ROSES

HONG KONG

INAY

IYON

OO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with