^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (Ika-83 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

HINDI pala lahat ng mga nangyari sa kanya sa Black Roses ay ikinuwento ni Inay. Marami pa pala siyang itinago. At wala na nga siyang balak ikuwento pa ang mga iyon kung hindi nagkaroon nang madugong pangyayari sa club na dati niyang pinagsasayawan.

Siguro’y inililihim niya sa amin ni Donna iyon dahil nahihiya siya at para hindi na rin kami magkaroon ng problema.

Kaya pala noon e napapansin namin ni Donna na parang hirap na hirap siya kapag dumarating ng madaling araw. Pagdating sa inuupahan naming kuwarto ay ibinabagsak na ang katawan sa higaan at may pagkakataong hindi na makapagpalit ng damit. Iyon pala’y grabeng hirap ang dinadanas sa kamay ni Mr. Lee.

"Ginagamit siya ni Mr. Lee pagkatapos niyang magperform. Grabe ang kalibugan ng taong iyon. Masyado na yata ang mga kinakaing exotic foods at hindi makontrol ang sarili. Kahit mga trabahador niya ay tinutuhog…."

Gustong sansalain ni Inay si Ate Au pero hindi na niya ito mapigil.

"Pero sinisisi ko rin ang sarili ko. Nang pakitaan ako ng kaunting pera, bumigay din ako. Nasilaw din ako sa karampot na ginto. Magkakatulad lamang kami. Iyon nga lang, madali akong nakarekober at sa dakong huli ay lumaban."

"Narinig kong sabi ni Mr. Lee kanina, kilala raw niya kung sino ang nag-tip sa mga pulis para salakayin ang kanyang club. At ipapapatay daw niya ang taong iyon."

"Malas niya dahil siya pala ang mamamatay at ang gumawa pa niyon ay ang dati niyang modelo."

"Kung hindi kaya siya napatay ni Ina, ano ang mangyayari sa atin ngayon Ate Au?" Delikado tayo. Hindi tayo patatahimikin ng Intsik. Magha-hire siya ng papatay sa atin kaya malaki ang utang na loob natin kay Ina. Siya ang nagligtas sa atin."

"Nasaan ba ang mga kamag-anak ni Ina, Ate Au?"

"Ang pagkakaalam ko taga-Samar siya. Ni-recruit doon at sinabing magtatrabaho rito sa Maynila iyon pala pagsasayawin sa club. Kagaya ko rin ng story…"

"Galing ka rin sa probinsiya?"

"Oo. Galing ako sa Surigao. Mahirap ang buhay namin. Nang mamatay si Itay ako na ang nag-isip kung paano kami mabubuhay nina Inay at dalawang kapatid. Lumuwas ako rito sa Maynila at naghanap ng trabaho pero bigo ako. Palibhasa’y me itsura rin naman, sa isang club sa Pasay ako bumagsak hanggang sa mapadpad sa Black Roses."

"Ang inay mo Ate Au?"

"Patay na. Yung mga kapatid ko, narito na rin lahat sa Maynila. Yung isa napagtapos ko ng computer science at nagtatrabaho na. Sa kanya ako nakatira ngayon."

"Nagkakatulad pala ang buhay natin."

"Oo pero mas mabigat ang naranasan ko kaysa sa iyo. Ikaw may pinag-aralan ako wala. Kaya mas malakli ang pag-asa mo."

Napansin kong umalis si Inay at nagtungo sa kuwarto.

(Itutuloy)

AKO

ATE AU

BLACK ROSES

INA

INAY

MAYNILA

MR. LEE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with