^

True Confessions

Salamat, hinango mo ako sa putikan! (41)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ng isang nagpapatago sa pangalang Che)

DUMATING kami sa ospital at isinugod sa emergency room si Inay. Tinanong ka-mi ng mga naroong nurse at attendant kung ano ang nangyari kay Inay. Sinabi namin na ilang araw nang nilalagnat. Ayaw bumaba ang lagnat at lalo pang tumitindi lalo sa gabi.

Kinuha ang pangalan ni Inay, edad, at iba pa.

"Mayroon na kayong doctor dito?" tanong ng nurse. Akala marahil ay dati na kaming nagpapagamot at may suki nang doctor sa ospital na iyon.

"Wala po," sagot ko.

Umalis ang nurse. Hindi kami umaalis ni Donna sa tabi ni Inay. Hinipo ko ang noo ni Inay. Halos mapaso ako. Talagang hindi bumababa.

Maya-maya pa ay dumating na ang nurse at kasama ang isang babaing doctor na medyo may edad na. Lumapit sa kinaroroonan namin. Tiningnan ang mga mata ni Inay. May sinalat sa dakong likuran. Dinama ang pulso. Inilabas ang stethoscope. Inilagay sa taynga ang kabilang dulo at ang kabila ay inila-pat sa dibdib at pagkatapos ay sa likod. Pinakinggan. Inilipat-lipat sa iba’t ibang bahagi sa likod. Natapos ang ginagawa niya.

May sinabi sa nurse pagkatapos. At pagkaraan ay umalis na. Hindi tumingin sa amin ni Donna ang doctor.

"Ano po ang sabi?" tanong ko.

"I-confine n’yo na raw."

"Diyos ko."

"Kailangan daw iyon para maobserbahan ang sakit ng inay mo. Idadaan sa mga laboratory test."

"Hindi pa puwe-deng painumin muna siya ng gamot para mawala ang lagnat?"

"Si Doktora ang magsasabi niyan. Ano, iko-confine n’yo na?"

Napatango ako.

"Pumunta kayo roon at ipa-admit."

"Magda-down ba kami?"

"Oo pakiusapan n’yo. Sabihin n’yo wala kayong dalang pera. Kailangan lang na maadmit ang pasyente para matingnang mabuti. Yung pinaka-murang room lang ang piliin n’yo. Yung dalawahan sa kuwarto."

"Salamat po," sabi ko sa mabait na nurse.

Lumapit kami sa itinuro ng nurse at sinabi namin sa babaing naroon na mayroon kaming ipaaadmit.

Binigyan kami ng papel at pinasulatan. Pangalan ng pasyente, edad, address at kung anu-ano pa.

"Puwede po ba P1,000 lang muna ang I-down kasi wala kaming dalang pera."

Tumango ang babae. Itinuro kami sa cashier para doon magbayad.

Nang ibigay ko ang P1,000 sa cashier ay nakatingin sa akin si Donna. Siguro ay nagtataka kung saan ako kumuha ng pera.

Ilang minuto pa ang nakaraan at dinala na ng attendant si Inay sa room na aming kinuha. Nakaagapay kami habang dinadala si Inay doon.

Pangdalawahan nga ang kuwarto. May nakaokupa na sa isang higaan. Isang babae na nakita naming natutulog.

Inilipat si Inay sa kanyang kamang higaan. Natutulog pa rin si Inay at para bang hindi alam na nasa ospital na siya.

"Ano kaya ang sakit ni Inay, Ate?"

"Malalaman natin mamaya."

"Kanino ka nga pala nakautang Ate?"

"Sa bossing ni Inay."

(Itutuloy)

ANO

INAY

INILIPAT

KAILANGAN

KAMI

LUMAPIT

NURSE

SI DOKTORA

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with