Darang sa Baga(188)
March 19, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
SA sopa lumatag ang aming mga katawan ni Sancho. Unang pangyayari na ang bahay namin ni Ramon ay nadiligan ng kasalanan. Nabahiran ng dagta ng mga katulad namin ni Sancho na matakaw sa laman.
Lumangitngit ang sopa dahil sa pagkilos namin ni Sancho. Habang tulog na tulog sa kuwarto ang bunso kong anak ay nagpapakaligaya naman kami ni Sancho sa sopa.
Ang init ng aming katawan ay humupa. Nanatili si Sancho sa pagkakahiga sa sopa. Ako ay bumangon at naupo. Isinuot ko ang mga hinubad kanina. Nang tingnan ko si Sancho ay tila gusto pang matulog.
"Umalis ka na Sancho," sabi kong tinapik ang braso.
Nagmulat si Sancho.
"Mamaya na. Hindi mo ba ako pakakainin man lang."
"Tumayo ka na. Halika sa kusina."
Tumayo at nagtungo kami sa kusina.
Ipinagluto ko. Itlog at corned beef. Ipinagtimpla ko ng kape.
"Kailan darating ng asawa mo Nena?" tanong nito habang kumakain.
"Matagal pa."
"Ayos!"
"Bakit ayos?"
"Matagal pa tayong magpapakasawa."
"Ikaw, akala ko ba punta ka ng Australia?"
"Oo. Pero wala pang sinasabi ang esmi ko."
"Mayaman siguro ang asawa mo ano?"
"Hindi."
"Maganda siya?"
Tumango.
"Bat wala kayong anak?"
"Ewan ko. Baog na siguro ako."
"Maya-mayay narinig ko ang pag-iyak ng aking bunso sa kuwarto. Mabilis kong kinuha at dinala sa kusina. Doon pinadede.
"Kanino kamukha yan?"
"Sa mister ko."
"Kaya pala pangit," sabi at saka nagtawa .
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am