Darang sa Baga (172)
March 3, 2006 | 12:00am
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)
NAGMANO si Ramon kay Inay. Gulat si Inay. Ipinaliwanag ko nang maikling-maikli ang mga pangyayari.
"Bakit naman ang bilis at sa isang linggo na kayo pakakasal?"
"Buntis na ako Inay. Kapag hindi pa kami nagpakasal, halata na ito."
Napatangu-tango si Inay.
"Kayo ang bahala."
"Si Maricel Inay nasaan?"
"Nag-asawa na rin."
"Bat hindi nyo man lang ibinalita sa akin."
"Ayaw ni Maricel."
"Bakit ayaw?"
"Ewan ko. Sa huwes lang sila nagpakasal."
Pumasok sa kuwarto si Inay pero makaraan ang ilang minuto ay lumabas at kinausap ako nang palihim.
"Ang bilis mo namang makakita ng lalaki Nena..."
"Ako ho ang nakita Inay at niyayang pakasal. Kaiba kina Fil at Carlo na walang naibigay sa aking kasal."
"Sana ay maging maligaya ka na kay Ramon at makuntento..."
Ikinasal kami ni Ramon sa simbahan. Okey ang reception.
Gusto ni Ramon na mag-honeymoon kami sa Baguio subalit ako ang tumutol.
"Magha-honeymoon e tisbun na nga ako."
"Hindi pa kasi ako nakararating ng Bagiuo."
"Huwag na. Dito na lamang tayo sa Maynila. Wala pang gastos."
Hindi nakapangyari ang gusto ni Ramon.
Makalipas ang 45 days ay bumalik na kami sa Riyadh.
Hindi ko alam, isang buwan na lamang pala ang itatagal ko sa Riyadh sapagkat pauuwiin na ako ng aking mga amo.
Itutuloy

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 25, 2026 - 12:00am