^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-161 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

DOMESTIC helper naman sa Saudi Arabia ang pinasok ko. Sabi ko sa aking sarili, kailangang mabago naman ang takbo ng buhay ko. Kung makapag-abroad baka sakaling makasumpong ng ibang kapalaran.

Sa Riyadh ako nahantong. Isang mag-asawang may isang anak ang amo ko. Mga may pinag-aralan kaya mababait. Hindi maid ang turing sa akin kundi parang isang kapatid. Nagtatrabaho sa banko ang lalaki at ang babae ay isang teacher. Ang kanilang anak, isang babae at dalawang taong gulang ang inaalagaan ko.

Suwertehan din ang pagsa-Saudi. At masasabi kong nakasuwerte ako sa amo. Hindi katulad ng ibang DH na minamaltrato.

Dito sa Riyadh ko nakilala si Ramon. Binata si Ramon. Nagtatrabaho sa MODA. Sa Batha kami nagkakilala. Bumibili ako ng sabon sa store na malapit sa Quiapo restaurant nang magkatinginan. Ganoon lang. Mga mata lang namin ang nag-usap. Iyon ang simula ng lahat ng aming pag-iibigan sa bansang malawak ang disyerto.

(Itutuloy)

BINATA

BUMIBILI

DITO

GANOON

MANDALUYONG CITY

NAGTATRABAHO

SA BATHA

SA RIYADH

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with