^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-110 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

EKSAKTONG itinataas ko ang aking panty nang biglang may gumalaw sa kabila ng kurtinang tabing ng paliguan. At sa isang iglap, biglang may dumamba at yumakap sa akin. Ang hayop na si Carlo!

Hindi ko na naisagad hanggang baywang ang isinusuot na panty sapagkat mahigpit ang pagkakayakap sa akin ng hayop.

Pagkatapos yakapin, pinupog ako ng halik sa leeg at kinagat-kagat.

"Hayop ka Carlo, bitiwan mo ako!"

"Ang tagal mo namang lumabas. Inip na ako rito."

"Bitiwan mo ako!"

Pero sa halip na bitiwan, lalo pang naging mabangis na hayop si Carlo. Pagkatapos sa leeg ay hinanap ni Carlo ang bibig ko at saka hinalikan. Mariin.

"Carlo ano ba?" impit kong tanong.

Subalit tila wala nang naririnig si Carlo at lalo lamang idiniin ang bibig sa bibig ko. Inilabas ang dila at nilasahan ako.

"Carlo! Carlo!"

Kumilos ako para itulak siya pero hindi ko magawa sapagkat parang mga bakal ang kamay na nakayakap sa akin.

Sa lakas ni Carlo, mula sa puwesto kong kinalalagyan ay nadala ako sa kabilang bahagi ng banyo. Nabatak ang tabing na kurtina. Lumikha ng ingay ang pagbatak.

"Carlo ano ba?"

Pero wala na talagang marinig ang mabangis na hayop. Kung gaano ang pagtanggi ko, ganoon din naman kabangis si Carlo sa ginagawa sa akin.

"Carlo baka magising ang asawa ko…" sabi ko. Impit pa rin.

Hanggang sa maramdaman kong ibinababa ni Carlo ang aking panty na hindi sagad ang pagkakasuot hanggang baywang.

"Ano ba Carlo?" mahina ang pagkakasabi ko.

Naalis ang panty. Hawak ni Carlo. Hindi binitiwan. Dinala sa kanyang ilong at sinamyo.

"Bastos ka talaga Carlo!"

"Matagal kong na-miss ang amoy na ito?"

"Bastos."

Ibinagsak ang pan-ty sa tapat ng shower. Binuksan ang sho- wer at pareho kaming nabasa sa talsik ng pinong tubig.

Saka ko nalaman na nasa paanan ko si Carlo. Nakatingala sa akin. Para akong sinasamba.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANO

BINUKSAN

BITIWAN

CARLO

DINALA

MANDALUYONG CITY

PAGKATAPOS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with