^

True Confessions

Darang sa Baga (Ika-39 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Nena ng Mandaluyong City)

TINANGHALI kami ng gising kinabukasan. Nang tingnan ko ang relo ay alas-otso na ng umaga. Himbing na himbing pa si Fil. Bumangon ako para umihi. Parang sasabog ang pantog ko. Dahil siguro sa lamig ng aircon. Hindi kasi ako sanay matulog na naka-aircon.

Matapos umihi ay bumalik ako sa higaan. Tulog na tulog pa si Fil. Tinapik ko. Ayaw magising. Parang patay sa sarap ng tulog.

"Fil! Fil!"

Kumilos.

"Alas-otso na. Di ba papasok ka?"

"Mamaya nang hapon."

Iyon ang sarap sa manedyer na tulad niya. Kahit na anong oras pumasok puwede.

"Anong gagawin ko Fil?" tanong ko.

"Anong gagawin na ano?"

"Magluluto ba ako ng kakainin natin?"

"Sa labas na lang tayo kumain."

Iyon ang sarap ng buhay ko ngayon. Hindi na kailangang magluto.

"Gusto mo ipagtimpla muna kita ng kape?" tanong ko.

"Sige."

Ipinagtimpla ko at dinala sa kanya.

"Para hindi ka mainip, dito sa bahay, magshopping ka mamaya. Idadaan kita sa mall, tapos paglabas ko sa office daanan kita, okey?"

Tumango ako. Ganito ang buhay na gusto ko. (Itutuloy)

ANONG

AYAW

BUMANGON

DAHIL

GANITO

HIMBING

IDADAAN

IPINAGTIMPLA

IYON

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with