Unti-unting pinapatay ang aming kapatid
August 29, 2005 | 12:00am
(Ika-12 Labas)
Editors note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher sa Wisconsin, USA. Kasalukuyang comatose si Azucena makaraang atakehin ng aneurism noong May 2003. Isang malapit na kakilala ng kanyang pamilya ang lumapit sa Pilipino Star NGAYON para mabigyan ng atensiyon sa media ang kanyang kalagayan.
May petisyon sa Korte ang mga kapatid ni Azucena para sa termination ng guardianship ng kanyang asawang si Dr. Benjamin M. Victoria Jr.
Batay sa sinumpaang salaysay ng mga caregivers, may relasyon si Dr. Victoria sa caregiver na si Shirley Elnar, 26, at may masama silang binabalak sa pasyente. Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng isa pang caregiver na si Meljoy Sanchez na nag-alaga kay Azucena mula November 24, 2004 hanggang sa kasalukuyan.
KATULAD ni Alma Rosos, si Meljoy ay ipinasok din ni Shirley bilang caregiver sa bahay ni Azucena.
Mula nang mapasok na caregiver, laging sinasabi ni Shirley na siya ang nagdedesis-yon sa lahat ng bagay tungkol sa bahay at iyon daw ang utos ni Dr. Victoria sa kanya. Madalas din umanong ikinukuwento ni Shirley ang pagiging malapit niya kay Dr. Victoria. Pati mga personal na bagay sa buhay ni Dr. Victoria at Azucena ay madalas daw ikuwento sa kanila ni Shirley.
Minsan daw ay sinabi pa ni Shirley, "Gusto akong gawing personal secretary ni Dok at susuwelduhan ng P25,000 isang buwan pero tinanggihan ko..."
Hindi naman daw sinabi ni Shirley kung bakit niya tinanggihan ang alok ni Dr. Victoria.
Sa mga pagkukuwentong iyon ni Shirley tungkol sa pagiging malapit nila ni Dr. Victoria ang nagpatibay sa hinala ni Meljoy na may relasyon ang dalawa. At lalo pang tumibay dahil sa mga ikinukuwento ni Shirley sa kanila. Gaya ng nagbukas daw siya ng bank account sa BPI Tagaytay branch kung saan ay nagbabanko rin si Dr. Victoria. Madali raw siyang nakapagbukas ng account dahil tumayong guarantor si Dr. Victoria.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended