Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-9 na Labas)
August 26, 2005 | 12:00am
Editors note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA. Isa ring Pilipino ang kanyang napangasawa habang nasa Wisconsin si Dr. Benjamin Victoria. Nagpakasal ang dalawa noong 1990 at nagpasyang umuwi sa Pilipinas noong April 1996 sa ilalim ng Philippine Retirement Authority Program. Sa Tagaytay sila nanirahan. Noong May 18, 2003, inatake ng aneurism si Azucena at na-comatose na mula noon.
Isang caregiver na nagngangalang Shirley Elnar, 26, ang kinuha ni Dr. Victoria para mag-alaga kay Azucena pero nagkaroon siya ng relasyon dito.
Hinihiling ng mga kapatid ni Azucena sa isang petisyon sa Korte na sila na ang mangalaga o maging Guardian ni Azucena pero kahit na ang pagdalaw sa nakaratay na kapa-tid ay hindi pinagbibigyan ni Dr. Victoria. Ang matutunghayan ay sinumpaang salaysay ni Alma S. Rosos, isa ring dating caregiver na nag-alaga kay Azucena.
"MERCY killing" at "peste". Iyan ang mga narinig ng caregiver na si Alma sa pag-uusap nina Dr. Benjamin Victoria at Shirley Elnar. At kasunod noon nalaman ni Alma na unti-unting tinatanggalan ng gamot at binabawasan ang supply ng vitamins ang kawawang si Azucena.
Natatandaan pa ni Alma noong February 2005, binanggit sa kanila ni Shirley na hirap na hirap na raw si Dr. Victoria sa pag-aalaga kay Azucena at balak nitong ilagak na lamang ang asawa sa rehab center. Nang buwan ding iyon ay naghanap umano si Dr. Victoria at Shirley ng mga rehab centers sa Manila at Cavite. Ganoon man wala silang natagpuang rehab centers. Hindi raw gaanong alam ni Alma kung ano ang rehab centers kaya itinanong niya ito sa physical therapist ni Azucena. Nalaman ni Alma na ang rehab center ay isang lugar kung saan ilala-gak ang pasyente para doon alagaan.
Nalaman ni Alma na kaya pala gustong mailagak sa rehab center si Azucena ay para makakilos nang malaya at walang nakikialam kina Dr. Victoria at Shirley.
Nagtaka na lamang si Alma nang sabihin sa kanya ni Shirley noong April 2005 na hindi na gusto ang trabaho niya. Gusto na siyang paalisin ni Shirley bilang caregiver ni Azucena. (Itutuloy)
Isang caregiver na nagngangalang Shirley Elnar, 26, ang kinuha ni Dr. Victoria para mag-alaga kay Azucena pero nagkaroon siya ng relasyon dito.
Hinihiling ng mga kapatid ni Azucena sa isang petisyon sa Korte na sila na ang mangalaga o maging Guardian ni Azucena pero kahit na ang pagdalaw sa nakaratay na kapa-tid ay hindi pinagbibigyan ni Dr. Victoria. Ang matutunghayan ay sinumpaang salaysay ni Alma S. Rosos, isa ring dating caregiver na nag-alaga kay Azucena.
Natatandaan pa ni Alma noong February 2005, binanggit sa kanila ni Shirley na hirap na hirap na raw si Dr. Victoria sa pag-aalaga kay Azucena at balak nitong ilagak na lamang ang asawa sa rehab center. Nang buwan ding iyon ay naghanap umano si Dr. Victoria at Shirley ng mga rehab centers sa Manila at Cavite. Ganoon man wala silang natagpuang rehab centers. Hindi raw gaanong alam ni Alma kung ano ang rehab centers kaya itinanong niya ito sa physical therapist ni Azucena. Nalaman ni Alma na ang rehab center ay isang lugar kung saan ilala-gak ang pasyente para doon alagaan.
Nalaman ni Alma na kaya pala gustong mailagak sa rehab center si Azucena ay para makakilos nang malaya at walang nakikialam kina Dr. Victoria at Shirley.
Nagtaka na lamang si Alma nang sabihin sa kanya ni Shirley noong April 2005 na hindi na gusto ang trabaho niya. Gusto na siyang paalisin ni Shirley bilang caregiver ni Azucena. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended