Unti-unting pinapatay ang aming kapatid (Ika-6 na Labas)
August 23, 2005 | 12:00am
Editors note: Ang matutunghayan ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher na nagturo sa Wisconsin, USA. Nagkaasawa siya sa gulang na 54 nong 1990. Isa ring Pilipino ang kanyang napangasawa, si Dr. Benjamin Victoria na may abortion clinic sa Wisconsin noong 70s hanggang 80s. Nagpasyang umuwi ang mag-asawa sa Pilipinas noong April 1996 at dito na nanirahan. Bumili sila ng lote sa Tagaytay at tinayuan ng bahay. Noong May 18, 2003, inatake ng aneurism si Azucena at magpahanggang sa kasalukuyan ay nasa coma.
Nag-hire ng babaing caregiver si Dr. Victoria para mag-alaga kay Azucena. Pero nagkaroon siya ng relasyon sa caregiver.
Ang matutunghayan ay batay sa sinumpaang salaysay ng dating caregiver na si Alma S. Rosos na nag-alaga kay Azucena. Nanilbihan siya mula November 12, 2004 hanggang May 28, 2005.
Napaatras si Alma sa pagkabigla sa nakita. Siya ang labis na nagimbal sa nasaksihan. Hiyang-hiya siya. Ang nasaksihang iyon sa guestroom ang nagbigay ng konklusyon kay Alma na may relasyon nga ang dalawa. Hindi na maaaring ikaila ng dalawa sapagkat nakita na ng dalawang mata niya ang katotohanan.
Hindi na nagtaka si Alma kung bakit nasabi ni Shirley na malakas siya kay Dr. Victoria. Hindi na rin ipinagtaka ni Alma kung bakit anumang oras ay nakakukuha ng cash si Shirley kay Dr. Victoria. At hindi na rin nakapagtataka kung bakit malakas ang loob na gamitin ni Shirley ang mga gamit ni Azucena at pati nga ang vitamins ng kawawang pasyente ay iniinom.
Malalim ang relasyon ng dalawa.
Hindi pa pala ang nasaksihan paghahalikan ng dalawa ang nagpatibay sa pagkakaroon nila ng sexual relationship kundi patunay din ang paghaharutan ng mga ito, ayon kay Alma.
Minsan, narinig niyang umuungol si Shirley at kasunod niyang narinig ay "Sige pa Doc, tagalan mo pa at sobra ang sarap " (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended