^

True Confessions

‘Unti-unting pinapatay ang aming kapatid…’ (Ika-2 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Editor’s note: Ang mababasa ay kasaysayan ni Azucena Victorino-Victoria, isang retired teacher. Nalaman ng Pilipino Star NGAYON ang kanyang kasaysayan dahil sa pagmamalasakit ng isang taong malapit sa kanyang pamilya. Hiniling na mabigyan ng atensiyon sa media ang nangyari sa kanya. Si Azucena ay kasalukuyang nasa coma makaraang atakehin ng aneurism. Ang mga matutunghayang kuwento ay buhat sa sinumpaang salaysay ng mga petitioners at mga nag-alaga kay Azucena.

BAGO ikasal sina Azucena at ang doktor na si Benjamin Victoria, noong July 5, 1990, nag-execute ng ante-nuptial agreement ang babae para maprotektahan ang kanyang ari-arian sa United States kabilang dito ang parcel ng lupa sa Wisconsin na nagkakahalaga ng $1,000,000 at pension at investments na nagkakahalaga ng $10,000.00. Dito sa Pilipinas, may-ari siya ng lupa at bahay sa Tagaytay na nagkakahalaga nang humigit-kumulang ng P1,500,000.00; isang Isuzu Crosswind at maraming bank accounts na nakapangalan sa kanilang dalawa ni Benjamin.

Hanggang sa isang dagok ang biglang dumating sa buhay ni Azucena noong May 18, 2003. Inatake siya ng aneurism. Isinugod siya sa Asian Hospital at inoperahan. Pero makaraang maoperahan, nanatili sa coma si Azucena.

Ayon sa doktor na sumuri kay Azucena nagkaroon siya ng intracerebral and subarachnoid hemorrage dahil sa ruptured aneurism. Hindi na siya makakilos bagamat kumukurap naman ang kanyang mga mata. Maayos naman ang kanyang paghinga pero kailangan siyang gamitan ng respirator bilang suporta.

Iniuwi siya sa kanilang bahay sa Tagaytay ng asawang si Benjamin. Doon na lamang siya inaalagaan ng mga katulong at caregivers.

Walang pagbabago sa kalagayan ni Azucena. Ang dating malusog na pangangatawan ay naging kahambal-hambal ang itsura dahil sa pagka-coma. Malayung-malayo sa itsura niya noong teacher pa siya sa Wisconsin. Ang kanyang mga kapatid ay nag-aalala sa kanyang kalagayan.

Siyam na magkakapatid sina Azucena. Dalawa rito ay madre, sina Sister Miriam at Sister Marie, Armando, Eualalia, Rosita, Lourdes, Ma. Paz at Renato.

Karamihan sa mga kapatid ni Azucena ay nasa United States.

Noong July o August 2004, mahigit isang taon makalipas na atakehin ng aneurism si Azucena, kinuha ng asawang si Benjamin ang serbisyo ni Shirley Elnar para maging caregiver ni Azucena.

Dito na nagsimula ang lalo pang masalimuot na buhay ng kawawang si Azucena.

(Itutuloy)

ASIAN HOSPITAL

AZUCENA

AZUCENA VICTORINO-VICTORIA

BENJAMIN VICTORIA

DITO

ISUZU CROSSWIND

KANYANG

SIYA

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with