Mga mata sa butas (Ika-97 labas)
August 5, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
MATAPOS magsalita ay tila hindi malaman ni Pacita kung ano ang gagawin. Hawak niya ang ibinigay kong P1,000 para sa ice cream at cone. Hindi malaman kung itutuloy ang pagpindot sa cash register.
"Ituloy mo na, Pacita," sabi ko at iniisod ang ice cream at box ng cone. Nakatingin ang isang babaing helper na nagsusupot ng mga pinamili.
Tila napukaw si Pacita at itinuloy ang pagpindot sa kaha. Kumuha ng sukli at saka ibinigay sa akin.
"Bakit hindi ka man lamang nagpasabi, Pepe. Tingan mo naman ang itsura ko " sabi at tumayo.
"Di ba sabi ko sayo sorpresa ang pagdating ko "
"Di pasorpresa-sorpresa ka pa diyan " sabi at saka binalingan ang babaing helper. Inutusang tawagin ang isa pang babaing helper na nasa di-kalayuan. Dumating ang tinawag. Inutusan ni Pacita na ito ang pumuwesto sa kaha.
"Halika Pepe," sabi ni Pacita at sumunod ako bitbit ang ice cream. Nang lalabas na ay naalala ko ang plastic bag na idineposito ko sa guard. Kinuha ko iyon. Lumabas na kami ng pinto.
"Style mo bulok ano? Di pabili-bili ka pa ng ice cream " sabi ni Pacita nang naglalakad na kami palabas.
"Para memorable ang pagkikita natin "
"Naku ha?"
"Saan ka nakatira?"
"Dun sa bahay na iyon "
Nakita ko ang bagong pinturang bahay. Maganda.
"Bahay nina Lucia yan. Pina-remodel namin.."
"Maganda. Malapit pa sa mart "
"Kaya nga kapag wala si Lucia sa tindahan ako ang in-charge. Madali lang kaming makapupunta "
"Ang ganda ng pangalan P and L."
"Mabilis ang pag-unlad ng tindahan, Pepe. Maski ako nagulat dahil halos lahat ng narito sa lugar namin e dito na namimili. Hindi na sila pumupunta pa sa bayan."
"Napansin ko nga "
Nakarating kami sa bahay. Maganda ang pagkaka-remodel. Isinunod sa mga bagong bahay na uso ngayon. Up and down. Kulay krema ang pintura ng pader at brown ang kulay ng gate.
"Halika Pepe."
Pumasok kami. Malinis na malinis sa loob. Makintab ang sahig.
"Lucia! Lucia!" tawag ni Pacita.
Sumagot ang tinawag.
"May bisita tayo, Lucia "
"Sino?"
"Halika."
Lumabas si Lucia. Nakangiti. Maganda pala si Lucia. Ipinakilala ako ni Pacita.
"Siya si Pepe ang kaibigan ko sa Saudi higit pa sa isang kaibigan "
Nagkamay kami ni Lucia. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended