Mga mata sa butas (Ika-68 labas)
July 6, 2005 | 12:00am
(Kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)
DALAWANG buwan pa ang lumipas at wala pa ring balita tungkol kay Benjo at sa ina ni Pacita. Siguroy hindi na magpapakita at nagpakalayu-layo na. Ang galit sa dibdib ni Pacita ay patuloy na kumakalat. Sana ay lumaban si Benjo kapag aarestuhin ng mga pulis at nang mapatay na siya. Para mas madali ang paghingi niya ng hustisya.
Dumating ang pasukan. Magkokolehiyo na si Lucia. Pagti-teacher ang kukunin. Nakadama ng inggit si Pacita. Kung sana ay naging anak na siya nina Mang Nado at Aling Ana, e di sanay nag-aaral din siya. Gusto niyay Commerce. Pero mahirap mangarap sa ganoong kalagayan. Ipinagpapasalamat niya na kinupkop siya ng mga magulang ni Lucia. Kung hindi siya kinupkop, baka palabuy-laboy siya. At hindi rin naireport ang panggagahasa sa kanya.
"Kapos din kasi kami Pacita kaya hindi ka namin maalok na pag-aralin kahit man lang vocational " sabi ng mabait na si Mang Nado na Tatay Nado na kung tawagin niya.
"Naku huwag ka pong mag-alala Tatay Nado. Malaking tulong na ang ginawa ninyong mag-asawa sa akin na akoy pinatira rito "
"Gusto nga sana namin sa Maynila pag-aralin ng pagka-teacher si Lucia kaya lamang e walang titirahan doon at saka magulo raw doon," sabi ni Aling Ana.
"Bagay na bagay po ang teacher kay Lucia, Nanay Ana."
"Ikaw ba anong gusto mong kunin sa kolehiyo?"
"Commerce po sana."
Napatangu-tango si Aling Ana.
Nasa second year na si Lucia nang magdesisyon si Pacita na lumuwas ng Maynila. Maghahanap ng trabaho roon. Labing-walong taong gulang na siya noon. Nagpaalam siya sa mag-asawa.
"Sige, mahirap naman kung dito ka maglalagi sa probinsiya," sabi ni Mang Nado.
"Pero kaya mo na bang makipagsapalaran sa Maynila?" tanong naman ni Aling Ana.
"Kaya ko na po."
Binigyan siya ng pera ng mag-asawa nang aalis na patungong Maynila. Tinanggap niya. Idadagdag niya iyon sa P1,000 na binigay sa kanya ng rapist na si Benjo. Itinago kasi niya ang perang iyon. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended