Mga mata sa butas(66)
July 4, 2005 | 12:00am
"GINAHASA ako ni Benjo, Lucia!" sabi ni Pacita at pagkaraan ay malakas na humagulgol.
Hindi makapagsalita si Lucia. Nasa mukha ang pagkagimbal. Nagkatotoo ang kanyang sinabi noon kay Pacita na hindi mapagkakatiwalaan ang ka-live-in ng ina nito. Nangyari na ang kinatatakutan niya sa kaibigan.
"Paano bang nangyari?" tanong ni Lucia na tila naguguluhan pa at gustog malaman ang lahat.
Ikinuwento ni Pacita. Habang ikinukuwento ay patuloy siya sa pag-iyak. Sa puntong iyon nagising ang ama at ina ni Lucia. Mababait ang mga magulang ni Lucia. Nang malaman ang nangyari kay Pacita ay hindi nag-atubiling tulungan ito.
"Kailang maipaeksamin ka sa doktor," sabi ng ama ni Lucia.
"Natatakot po ako Mang Nado," sabi ni Pacita sa ama ni Lucia.
"Huwag kang matakot. Kailangang maipakulong at maipabitay ang putang-inang guma- hasa sa iyo," sabi nito at sinang-ayunan din ng ina ni Lucia na si Aling Ana.
"Nagbanta po si Benjo na papatayin ako kapag nagsumbong."
"Huwag kang matakot," sabi ni Mang Nado.
Iyon ang nagbigay ng lakas ng loob kay Pacita. Kailangan niyang lumaban. At matututo pala siyang lumaban dahil sa pagtulong ng ibang tao.
Ibang tao pa ang tumulong sa kanya sa halip na ang sariling ina.
"Dapat diyan sa nanay mo e kasamang maikulong..." sabi pa ni Mang Nado.
Naipaeksamin si Pacita at positibong ginahasa. Iyon ang naging basehan para maisyu-han ng warrant para maipaaresto si Benjo. Nakadama ng kaunting kasiyahan si Lucia.
Pero bago naipaaresto ang demonyong si Benjo ay nakaalis ang mga ito sa bahay. Kasama ang kanyang putang inang ina. Nakadama ng kabiguan si Pacita. Pero pinalakas ang loob niya ng ama ni Lucia.
"Hindi siya makatatakas sa batas," sabi ni Mang Nado.
"Baka magtago na iyon Tatay," sabi ni Lucia.
"Kahit saan siya magpunta hahanapin siya ng mga pulis at lalo lamang madadagdagan ang kasalanan niya."
"Paano ngayon si Pacita, Tatay?"
"Dito na muna siya sa atin titira..."
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended