Hiyasmin (321)
“KUNG lalaki po ang magiging anak namin ni Hiyasmin, papangalanan po namin na Rashid Emmanuel,’’ sabi ni Dax.
Hindi nakapagsalita si Tita Mary sa sinabi ni Dax. Hindi siya makapaniwala na may nakahanda nang pangalan si Dax kung lalaki ang magiging anak.
“Pinasaya ninyo ako, Dax. Hindi ko ito inaasahan.”
“Mula po nung malaman ko ang nangyari sa papa ni Hiyasmin at pati na rin ang tunay na pag-ibig niya kay Mama Lira, nagkaroon na ako ng ideya na isusunod ko sa name niya ang aming magiging anak.”
“Napakabuti mo talaga, Dax. Uulitin ko muli na hindi nagkamali si Hiyasmin sa pagpili sa’yo.”
“Sobra-sobra na ang pagpuri mo sa akin Tita. Dahil diyan ay yayayain ko kayo sa Boracay. Maganda roon Tita. Mag-e-enjoy sina Tito Joseph at dalawa n’yong anak na sina Aaron at Elizabeth. Maganda ang beaches dun, Tita.”
“’Yan talaga ang pupuntahan namin Dax. Balak din naming pumunta sa Palawan at sa Bohol,” sabi ni Tita Mary.
“Pupunta tayo Tita. Ako ang tour guide, ha-ha-ha!”
“Magkano naman ang ibabayad ko sa’yo bilang tour guide?”
“Libre na Tita para sa’yo, ha-ha-ha!”
“Okey tara na sa Boracay. Masarap sa beach!”
MAKALIPAS ang tatlong araw, bumiyahe na sila sa Boracay. Tuwang-tuwa si Mary habang namamasyal sa maputing buhangin ng Boracay. Kasama niya sina Hiyasmin at Dax sa paglalakad.
“Tama ka, Dax, napakaganda rito!” sabi ni Tita Mary.
“Dun pa tayo, Tita para makita natin ang ganda ng lumulubog na araw,’’ sabi ni Hiyasmin.
“Ang ganda talaga rito, Hiyasmin. Parang ayaw ko nang bumalik sa U.S.”
Itutuloy
- Latest
















