^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-7 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

MARAMI pang magaganda at kapana-panabik na panoorin akong nasaksihan sa mag-asawang Arabo na naka-okupa sa tapat ng aming opisina bago sila umalis. Bigla na lamang nawala. Inabot din ng anim na buwan ang pananatili ng mag-asawa sa unit na iyon. Mula noon ay naging madilim na sa unit. Naisip ko, baka ipinagbili na ang unit.

Isang buwan ang lumipas hanggang sa mapansin ko na maliwanag na naman sa unit na iyon. Nagbalik marahil ang dating naka-okupa. Pero nagkamali ako sapagkat bago na ang nakatira. Mag-asawang Egyptian na may katulong na Indonesian.

Nalaman ko ang mga impormasyong iyon sa Pinoy na maintenance ng housing. Sa Pinoy ko rin nalaman na ipinagbili na ang unit sa Egyptian. Puwede palang kahit sibilyan ay makatira sa housing project na iyon at hindi lamang mga sundalo gaya ng unang impormasyon na nalaman ko.

May edad na ang lalaking Egyptian at ganoon din ang asawa. Ang Indonesian sa tantiya ko ay mga 25 years old marahil. Kayumanggi at may itsura rin naman.

Katulad nang nakita ko sa mga ginagawa ng dating occupants sa unit, ganoon din ang ginagawa ng mag-asawang Egyptian. Pero sa tingin ko ay mas mahilig ang lalaking Egyptian sapagkat hindi lamang ang kanyang asawa ang "inoopera" kundi pati na rin ang kanyang maid na Indonesian.

Nakasasabik ang bawat galaw sa unit na iyon. Halos hatakin ko na ang Huwebes para makapanood ng x-rated.

Nagulat ako ng Huwebes na iyon nang makitang ang Indonesian lamang ang nasa unit. Wala ang mga amo niya. At kapag wala ang mga amo, marami palang kalandian ang Indonesian. Sa mismong kama pala ng amo ito nakahiga at natutulog. At kung matulog ay nakabuyangyang na lahat. Kita ang "laman-loob". Animo’y nakatindang tahong. Nakita ko ang lahat na iyon sa pamamagitan ng binocular.

Pero ang naka-excite sa akin ay ang kapilyuhang ginagawa sa kanya ng lalaking Egyptian kapag wala ang asawa.

(Itutuloy)

ANG INDONESIAN

ARABO

BATAY

BIGLA

EGYPTIAN

HUWEBES

IYON

PERO

SA PINOY

UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with