^

True Confessions

Mga mata sa butas (Ika-2 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni Pepe ng Riyadh, KSA)

NANG umagang iyon, pasado alas-nuwebe ay nakapuwesto na ako sa may bintanang katapat naman ng bintana ng unit na tirahan nang magandang Araba. Nalaman ko na ang Araba ay asawa ng isang opisyal ng army. Nalaman ko iyon dahil sa isang Pilipinong maintenance ng nasabing housing. Ang Araba ay bagong asawa raw ng opisyal. Bata pa ang babae mga 20-anyos marahil.

Ibinukas ko nang bahagya ang bintana. Sarado pa ang ilaw sa unit. Pasado alas-nuwebe na pero tulog pa ang mag-asawa. Noong nakaraang Huwebes ay maaga kong nakita ang mag-asawa. Naglalampungan sila. Hindi ko lamang mabistahan nang maayos dahil sa nakatabing na kurtina. Pero kahit na ganoon lang nasisiyahan na ako. Nakadarama ako ng kaligayahang hindi maipaliwanag.

Ang nasilip kong iyon ang naging hamon para ulitin ko pa ang pamboboso sa mag-asawa. Kahit pa abutin ako nang matagal sa paghihintay, pagtitiyagaan ko. Wala namang asungot sa aming opisina.

Alas-diyes na ay wala pang bukas na ilaw. Baka walang tao sa unit ng mag-asawa. Naghintay pa ako. Baka natutulog pa. Hindi ako mapakali. Pinagpapawisan ako sa pananabik.

Eksaktong alas-onse ay nabuhay ang ilaw. Maliksi kong itinutok ang binocular sa bintana. Sapol ang Araba. Nag-iisa yata. Pabalik-balik sa paglalakad. Naka-kremang bathrobe. Galing sa paliligo o maliligo pa lamang. Na-excite ako. Hindi ko inaalis ang tutok.

Nawala sa paningin ko. Maaaring maliligo. Inalis ko ang tutok. Kung maliligo. Maaaring abutin ng kinse o beinte minutos sa banyo. Di bale, kaya ko namang maghintay. Inorasan ko.

Pagkalipas ng 25 minuto nakita ko na ang Araba. Tutok na tutok muli ako.

Nakita kong naupo sa kama. Wala nang suot na bathrobe. Hindi ko inaalis ang tutok. Hindi dapat sayangin ang bawat sandali.

Shock ako sa ginagawa ng Araba habang nakaupo sa kama. Nag-aahit ng ano niya… (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ANG ARABA

ARABA

ASAWA

BATA

BATAY

EKSAKTONG

MAAARING

NALAMAN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with