Ninang Joy (Ika-83 labas)
April 3, 2005 | 12:00am
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
"NATATAKOT ka na maghahanap pa ako ng iba?" tanong ko kay Ninang.
"Oo," mahinang sagot.
"Hindi ka pa talaga naniniwala sa akin. At iyan daw kawalan ng tiwala ay kawalan na rin ng pag-ibig."
"Mahal kita Eric," pabigla ang pagkakasabi.
"So bakit natatakot kang maghahanap pa ako ng iba. Kawalan ng tiwala yon di ba?"
"Hindi mo maiaalis sa akin. Una nga mas malaki ang tanda ko sayo. Ikalawa, hindi kita mabibigyan ng anak at ikatlo, natatakot ako sa pagharap sa pamilya mo lalo kay Nanay Caring."
"Hindi dahilan ang mga yan."
"Iyan ang naiisip ko."
"Maging positive ka naman. Lagi na lang kasing puro negative ang nasa isip mo kaya kung anu-ano ang naiisip mo."
"Sorry Eric."
"Siguro mawawala yan kapag nakasal na tayo no?"
"Yon nga siguro ang solusyon Eric." "Maghintay ka lang at darating tayo diyan. For the meantime, tiis muna tayo sa pekeng marriage certificate."
"Malaki na ang nagawa mo sa akin Eric."
"Anong nagawa?"
"Unti-unti naibabalik ko na ang tiwala sa sarili ko."
"Napapansin ko nga yan. Nawala ang tiwala mo dahil sa nangyari sa iyo nang magpakasal ka sa walanghiyang Kanuto ano?"
"Tama ka Eric."
"Akong bahala sayo Ninang. Malilimutan mo na ang lahat ng sakit. Hindi ka na masasaktan hindi ka na iiyak at hindi ka na mabibigo."
Muli akong niyakap ni Ninang.
"Mahal na mahal kita Eric."
"Mahal na mahal din kita. Ninang."
"Kahit na ba kasal na tayo Ninang pa rin ang tawag mo sa akin?"
"E ano naman?"
"Kung Joy na lang kaya?"
"Mas gusto ko Ninang."
"Kasi baka akalain nang makarinig, ninang mo e inasawa mo."
Napahagikgik ako.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended