^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-80 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

AKO ang naglalaba, nago-grocery, nagluluto, naglilinis ng bahay habang nagpapagaling si Ninang Joy. Pilit niya akong pinapapasok sa trabaho sapagkat kaya na raw naman niya pero matigas ang pasya ko. Hindi ako papasok hangga’t hindi siya lubusang magaling. Pagsisilbihan ko siya nang husto. Tatapatan ko ang pagsisilbing ginawa niya sa akin noong ako ay may sakit.

"Baka ka patalsikin sa trabaho mo, Eric?" sabi ni Ninang habang pinanonood ako sa paglalampaso sa salas. Nakahiga siya sa sopa.

"E di patalsikin nila. Sila ang mawawalan nang mahusay na engineer," sabi ko habang patuloy sa paglalampaso ng marmol na sahig.

"Yabang ng mama o," sabi ni Ninang at dinilaan pa ako.

"Mahihirapan silang makakuha ng engineer na tulad ko."

"Bakit naman po?"

"Bukod sa mahusay akong engineer, matalino ay guwapo pa."

"Yakkk!"

"Hindi ka naniniwala?"

Umiling si Ninang. Saka ngumiti na animo’y nakaloloko.

"Hindi ka naniniwala ha?"

Binitiwan ko ang panglampaso at nilapitan siya. Sinundot ko sa tagiliran. Napaigtad.

"Eric ha?"

Sinundot kong muli sa kilikili. Napaigtad uli.

"Eric, gusto mo bang mabinat ako?"

Kiniliti ko pa.

"Ano ba Eric?"

"Puwede ka na?" tanong ko habang malagkit na nakatingin sa kanya.

"Oy, baka mabinat ako."

"Sige na…"

"Sobra ka na ha?" umingos.

"E ba’t ako may sakit noon pero may nangyari?"

"Tumigil ka nga Eric."

"Sige na."

Tinabihan ko sa pagkakahiga.

"Ano ba Eric?"

"Huwag ka nang tumutol."

Naalis ko isang iglap ang mga sagabal. Ayaw daw pero gusto rin pala. Iyon nga lang may tarak sa konsensiya ko, baka nga mabinat. Pero palagay ko naman ay hindi dahil tagatanggap lang siya at ako ay tagapagbigay.

"Ericcc!"

Hindi iyon salita nang pag-ayaw kundi nang pagtanggap.

AKO

ANO

AYAW

ERIC

NAPAIGTAD

NINANG

NINANG JOY

SIGE

SINUNDOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with