^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-76 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
"ERIC!"

Malakas ang pagkakatawag sa akin. Lumingon ako pati si Ninang Joy sa tumawag. Si Joey!. Hindi ko naisip na ang araw nga palang iyon ay Batha trip ng mga kasamahan ko sa trabaho. Sumama pala sa trip si Joey. Hindi siya dati sumasama sa trip.

Nahalata ko ang pagkalito ni Ninang Joy. Tumingin sa akin. "Relax ka lang. Kaibigan ko ‘yan," sabi kong halos pabulong sa kanya.

Lumapit si Joey sa amin.

"Pards, narito ka rin pala," sabi at kinamayan ako na para bang matagal kaming hindi nagkita.

Ipinakilala ko si Ninang kay Joey. Hindi ko na naisip na baka may motawang makakita sa amin.

"Joey si Joy, nobya ko," sabi ko sa tinig na buo at matatag.

"Kumusta Joy?" sabi ni Joey sabay abot sa kanang kamay.

Inabot ni Ninang. May pangamba sa mukha.

"Mabuti."

"Nurse siya."

Napatangu-tango si Joey. Pero halata kong may kuwestiyon sa kanyang mga mata. Nagtataka marahil kung bakit may edad si Ninang Joy kaysa sa akin.

"Kanina pa kayo rito sa Batha?" tanong ni Joey.

"Di pa natatagalan. Mga fifteen minutes siguro."

"Kami’y kanina pa. Nakabili na nga ako ng mga personal na gamit ko. Pabalik na nga ako sa service bus natin. Nakita ko nga lang kayo rito."

"Bibili kami ng alahas dito," sabi ko.

"Sige, iwan ko na kayo. Ingat sa mga motawa," sabi at mabilis na umalis.

"Kaibigan ko siya at kasamahan sa trabaho. Engineer din," sabi ko.

"Ba’t mo agad sinabing nobya mo ako?" tanong ni Ninang nang nasa loob na kami ng gintuan. Itinanong iyon habang nakadukwang sa eskaparate at pumipili ng alahas.

"Ayaw mo nun proud ako na sabihing nobya kita. Ibig sabihin, mahal na mahal kita."

"E di kakalat na sa inyong opisina na ang nobya mo ay matanda…tiyak ibabalita ni Joey."

"So what kung kuma-lat na nobya kita. At saka hindi ka matanda. Huwag mo ngang kaawaan ang sarili mo…"

Hindi na nagsalita.

"Hindi ka matanda okey?"

Tumango.

"Kilala ko si Joey hindi iyon katulad ng ibang Pinoy na kung anu-ano ang sinasabi sa kapwa."

"Pero tiyak na may itatanong siya sa iyo."

"Palagay ko nga,"

Kinabukasang pumasok ako sa trabaho ay sinimplehan ako ni Joey. Tama si Ninang Joy. Maraming itinanong sa akin si Joey. Tungkol sa aming dalawa ni Ninang.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BATHA

JOEY

KAIBIGAN

KUMUSTA JOY

NINANG

NINANG JOY

PERO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with