^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-32 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)
PABORITO ni Jamie na manood ng play sa Cultural Center of the Philippines. Ako ay hindi mahilig pero dahil gusto niya, nakahiligan ko na rin. Madalas noon ang pagtatanghal sa CCP ng mga prize winning play at kabisado ni Jamie ang araw at oras ng palabas. Minsan daw nangarap siyang maging stage actress at sinubukan ding sumulat ng play. Pero naging matimbang sa kanya ang kursong engineering dahil na rin sa udyok ng mga magulang. Pero kung pamimiliin daw siya, gusto niya maging playwright.

"Walang pera d’yan," sabi ko.

"Sabi nga. Pero satisfied naman ang kalooban mo."

"Yung bulsa di-satisfied. Mas mahalaga kung may laman ang bulsa e satisfied din ang kalooban di ba?"

"Oo. Kaya nga okey din sa akin ang engineering."

"Gawin mo na lang hobby ang pagsulat ng dula."

"Ang layo ano pero puwede..."

"At saka kapag kasal na tayo, hindi na kita pagtatrabahuhin."

"Wow naman. E di ipagpapatuloy ko ang dream kong maging playwright."

"Puwede."

"Di ka tututol?"

"Hindi."

"Wow naman. Ang bait ni Eric Baby."

"Magkaanak kaya agad tayo Jamie?"

"Siguro. Ano ba namang tanong ‘yan?"

"Malay mo isa sa atin ang baog."

"Ay ang sama ng bibig mo."

"Di ba merong ganoon."

"E kung baog ako at hindi tayo magkaanak, iiwan mo ako?"

"Ba’t naman kita iiwan?"

"May mga lalaki na kapag baog ang asawa nila, iniiwan at humahanap ng iba."

"E kung testingin kaya natin ngayon para malaman kung baog o hindi."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mag-"ano" tayo."

"Eric ha?"

Nagtawa ako.

"Binibiro ka lang e. Akala mo totoo na."

Nagbibiro lang talaga ako. Gusto ko kapag kasal na kami ni Jamie saka magsi-sex.

Minsang namasyal kami sa isang mall, hindi sinasadya na nakita ko si Ate Cora, ang dati naming boarder. Maliit talaga ang mundo. Ganoon pa rin ang itsura niya at sa pakiwari ko, wala pa siyang asawa.

Ako ang unang bumati sa kanya.

(Itutuloy)

AKO

ANO

ANONG

ATE CORA

BATAY

BINIBIRO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

ERIC BABY

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with