^

True Confessions

Hiyasmin (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PILYO ka Love,’’ sabi ni Hiyasmin at kinurot sa tagiliran si Dax. Napaiktad si Dax at saka nagtawa.

“Ano namang masama sa binulong ko sa’yo.”

“Basta masama. Huwag muna.”

“Gumagapang na ang kambal kaya dapat gumapang na rin ang tatay, ha-ha-ha!”

“Huwag muna. Palipasin muna natin ang isang taon.”

“Ang tagal!”

“Tama ‘yun.”

“Sige na nga.”

“Maganda may spacing ang pag-aanak.”

“Okey.”

“At saka di ba mag-a-abroad tayo? Hinihintay tayo ni Tita Mary. Nangako tayo sa kanya. Kinukulit na nga ako. Sabi ko kapag one year na ang kambal. Pinaghahandaan na nila ang pagdating natin. Marami pa raw sorpresa sa atin.”

“Talaga? Ano pa raw?”

“Natuklasan ni Tita Mary na marami pa palang nakatagong pera sa banko si Papa at ‘yun ang inaasikaso niya. Sabi ni Tita, madaragdagan pa raw ang yaman ko.”

“Baka sa sobrang yaman mo ay malimutan mo ako, Love.”

“Imposible. Kahit ma­rami na akong pera, ikaw pa ring ang nag-iisang lalaki sa buhay ko. Kung hindi sa’yo wala sana akong narating,’’ sabi ni Hiyasmin at saka biglang hinalikan sa labi si Dax.

(ABANGAN BUKAS ANG BAGONG

NOBELA NI

RONNIE M. HALOS. HUWAG BIBITIW!)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with