^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-22 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

"ERIC!!! Eric!!! Diyos ko po!!!"

Nawala ang pagkatunganga ko sa sigaw ni Ate Cora galing sa banyo. Parang may kinatakutan.

Bigla akong sumugod sa banyo. Nakita ko ang pagkatakot sa mukha ni Ate Cora. Nakatapi siya ng tuwalya sa dakong dibdib. Hindi inabot ng maliit na tuwalya ang dakong ibaba ng katawan kaya nalantad ang panty niyang puti. May naaninag akong tumpok na itim sa panty.

"Eric!!!"

"Ano iyon Ate Cora?"

"May bubuwit sa timba!!! May bubuwit!! Diyos ko!"

Pumasok ako sa banyo at lumabas si Ate Cora. Nakita ko ang bubuwit na kumakawag-kawag sa tubig. Hindi makaakyat sa timba sapagkat kalahati lang ang lamang tubig. Nadudulas kapag tinatangkang umakyat.

"Patayin mo!! Patayin mo!!" sabi ni Ate Cora.

Naghanap ako sa banyo nang ipapalo sa bubuwit. Wala akong makita. Panghilod, sabon at bimpo lamang ang nakita ko roon. Mabilis akong tumakbo sa silid na aking nililinis at kinuha ang walis tingting.

"Patayin mo Eric! Nenerbiyusin ako diyan."

Pinalo ko ang bubuwit. Pero hindi nakuha sa isang palo. Mabilis na nakatakbo sa loob ng banyo.

"Ay! Ay, nakawala! Patayin mo Eric! Patayin mo!"

Pinalo ko pa. Isa, dalawa, tatlong palo. Maliksi ang putris. Ikaapat na palo ay nadale ko. Patay!

"Ay salamat! Diyos ko, hihimatayin ako sa bubuwit na ‘yan!"

Nakatingin ako kay Ate Cora. Pagkaraan ay bumaba ang aking tingin. Malapit na malapit doon. Aninag na aninag sa manipis na puting panty ang langit.

"Eric ha?" sabi.

Dinampot ko sa buntot ang bubuwit.

"Ay huwag mong hawakan! Marumi ‘yan. Kakadiri! " pinigil ako. Sa pagpigil ay napadikit ang kamay ko sa kanyang kaselanan. Napapitlag si Ate Cora.

"Eric ha?" sabi.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE

ATE CORA

BUBUWIT

CORA

DIYOS

ERIC

MABILIS

NAKITA

PATAYIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with