^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-89 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

NAKA-ATTEND pa ng graduation ko si Kuya Felipe. Tuwang-tuwa ito sapagkat natapos ko ang kursong Communications Engineering. May mga award din akong natanggap na lalo pang nagbigay ng kasiyahan sa kanya.

Pagkatapos ng graduation ay sa isang restaurant kami kumain. Blowout daw niya dahil pinagbuti ko ang pag-aaral. Masayang-masaya at sinabihan pa akong uminom ng beer. Wala raw problema kung uminom ako. Graduate na naman daw ako. Nagbiro pang puwede na akong tumikim ng babae. Napasulyap sa akin si Ate Tet. Parang may tumarak namang patalim sa bungo ko. Kapag nakapasa na raw ako sa board exam ay sigurado na ang trabahong naghihintay sa akin sa kompanya nila sa Riyadh. Tiyak daw na malaki ang suweldo ko. Baka ako ang pinaka-malaki ang suweldo sapagkat mataas ang pinag-aralan. Sabi pa, mga undergrad daw ang naka-assign sa engineering department nila. Kunwari’y mga engineer lang. Pero nakatutol na agad si Ate Tet sa balak sa akin ni Kuya Felipe na pagdadala sa Saudi. Baka mahomsik lang daw ako. Sagot naman ni Kuya Felipe, hindi ako mahohomsik sapagkat nandoon naman siya. Isa pa, marami raw tsiks doon. Maraming magagandang nurse. Inirapan ni Ate Tet si Kuya Felipe.

Hindi ko alam iyon na pala ang huling bakasyon ni Kuya Felipe. Huling pagsasama na pala namin. Hindi ako makapaniwala. Umiyak ako nang umiyak.

Pagdating ko sa bahay ay tulala si Ate Tet.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Tumawag ang kasamahan ni Ipe mula sa Riyadh…" sabi at hindi na tinapos ang sasabihin sapagkat bumunghalit na ng iyak.

"Anong sabi?"

"Patay na si Ipe!"

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala. Inatake raw kaninang umaga habang nagbibihis sapagkat papasok sa trabaho. Dinala raw sa ospital subalit hindi na umabot.

Umiyak ako. Kung matindi ang pag-iyak ni Ate Tet, mas matindi ang pag-iyak ko sapagkat may kahalong pagsisisi. Namatay na ang taong kumupkop sa akin na ang iginanti ko naman ay walang kasing-sama. Mas mahigit pa ako sa ahas na tinuklaw ang kamay nang nagpakain. Traidor.

Sa pagkakataong iyon naisip ko ang mga dapat gawin ngayong wala na si Kuya Felipe. Nararapat nang tapusin ang "laro" namin ni Ate Tet. Hindi na tama kung patuloy pa kaming magsasama sa bahay na ito.

Mahigit isang linggo ang nagdaan bago dumating ang bangkay ni Kuya Felipe. Nakasilid iyon sa kahon. Isang kaibigan niya ang nag-accompany sa bangkay. Ang kaibigan din niyang ito na ang pangalan ay David ang may dala ng mga personal na bagay ni Kuya Felipe, pera, alahas, relo at iba pa. (Itutuloy)

AKO

ANONG

ATE TET

COMMUNICATIONS ENGINEERING

FELIPE

IPE

KUYA

KUYA FELIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with