^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-68 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

MAHUSAY tumukso si Ate Tet kaya naging maapoy ang aming pagtatalik ng madaling araw na iyon. Nadarang na rin ako dahil sa husay niya. Beterana sa labanan. Mahirap talagang tanggihan ang panunukso. Siya raw ang bahala. Hindi naman daw malalaman ni Kuya Felipe ang aming ginagawa. Kung mabubuking, ako raw ang pipiliin niya. Ganoon siya kabilis mangako. Mabilis lamang naman daw ang pagbabakasyon ni Kuya Felipe kaya hindi matutuklasan ang lihim. Sunud-sunuran na ako sa gustuhin niya. At naisip ko, bakit nga ba ako lalayas sa bahay na ito dahil lamang sa babaing ito na nagpatikim sa akin ng "glorya"? Bakit ba ako matatakot gayong siya naman ang nagpakita ng motibo? Kung mayroon mang dapat matakot siya iyon at hindi ako.

Tinangay ako ng kahusayan niya sa pakikipagtalik. At tinanggap ko iyon nang tinanggap. Lumaban na rin ako sa pakikipagtunggali sa asawa ng aking pinsan na pinagkakautangan ko ng loob.

"Ma-"el" ka rin pala, nagkukunwari ka pa?" sabi pagkatapos nang mahabang ritwal at pareho pa kaming nakahiga at nakatingin sa kisame.

"Magaling ka kasi," sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Alam mo noong una kitang makita may matindi na akong pagtingin sa iyo…" sabi ni Ate Tet at pinisil ang aking pisngi.

"Nu’ng una kang isinama ni Kuya Felipe dito?"

"Oo. Hindi mo lang nahahalata. Totoy ka pa noon. Wala pang alam."

"Lihim mo na pala akong pinagnanasaan noon…"

"Ano pa."

"Simple ka lang pala. Kala ko nun, kagalang-galang ka."

Kinurot ako sa tagiliran.

"Pag gusto ko ang isang tao, ipinakikita ko. Ginagawa ko ang lahat para mapasa-akin."

"Dalawa na kaming nadale mo. Magpinsan pa."

"Pero mas mahal ko ikaw kaysa kay Ipe..."

"Owww?"

"Talaga."

"May ina na ako may asawa pa ngayon," sabi ko at humagikgik.

Kinurot muli ako sa tagiliran at napaigtad ako.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

ATE TET

BAKIT

BATAY

BETERANA

KINUROT

KUYA FELIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with