^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-46 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

HUWAG daw muna akong mauulol sa babae. Mariin ang pagkakasabi na para bang isang malaking kasalanan kung ako ay magkakaroon kaagad ng siyota. Sa pagkakatanda ko, tatlong beses na niyang sinabi sa akin iyon. Huwag daw munang titingin sa babae. Pag-aaral muna ang atupagin para maging engineer. At sa bawat pagsasabi niyang iyon, tango lamang ako nang tango. May malasakit si Ate Tet sa akin. Iyon ang pakiwari ko kaya lagi niya akong pinaalalahanan. Para ngang siya ang ina ko o kapatid.

"Huwag ka munang magnanais tumikim nu’n ha? Madali lang tumikim n’un," sabi at tumawa. Nasa isang restaurant kami at kumakain. Hindi ako makatingin nang tuwid. Bakit pati iyon ay sinasabi? Sabagay hindi ko siya masisisi dahil sa pagkaalam ko, ang mga kaklase kong lalaki ay ipinagyayabang na sila’y nakatikim na. Kung saan at paano, hindi nila sinabi. Basta ipinagyayabang na nakatikim na sila niyon. Ako, tahimik lang. Wala akong maikuwento.

"Marami ngayong nagkalat na babaing bayaran. Pagdaan natin mamaya sa Avenida ituturo ko sa’yo yung mga babaing "pokpok". Delikadong tumikim sa mga ganoong babae alam mo ba yon?"

"Opo Ate?"

"Bakit?"

"Baka magkasakit."

"Magkakatulo ka."

"Paano pag nagkatulo?" tanong kong mahina.

"Iineksiyunan ka sa may puwit tapos iinom ka ng antibiotic."

"Gaano katagal?"

"Medyo matagal din. Kakahiya kapag nagkasakit ka. Tatawagin kang Mr. Tulo."

Kung tutuusin, mas naging malapit pa ako kay Ate Tet kaysa kay Kuya Felipe. Hindi ako makahingi ng deretsahan kay Kuya Felipe kahit na sa sulat. Nahihiya ako. Pero kay Ate Tet, masyado akong at home.

"Ate Tet pahingi naman ako ng P100, bibili ako ng gamit," "Ate Tet, pahingi ako ng perang pambili ng uniporme sa PE." At marami pang hingi. At wala akong narinig sa kanya. Bigay kaagad.

Maski kapag umuuwi si Kuya Felipe galing sa Saudi ay hindi ako makapagsabi nang deretso na kailangan ko ang ganoong mga bagay. Kay Ate Tet pa rin ako nagsasabi.

Isang halimbawa ay nang ga-graduate na ako sa high school at kailangang magbayad para sa annual.

"Ate Tet pahinging pambayad sa annual namin," sabi ko kahit na noon ay nagkataong umuwi si Kuya Felipe.

"Ba’t di ka magsabi kay Ipe?"

"Nahihiya ako."

Binigyan ako ni Ate Tet ng pera.

Pero nalaman ni Kuya Felipe ang nadarama kong pagkapa-hiya sa kanya. Pinagalitan ako. (Itutuloy)

AKO

ATE

ATE TET

BAKIT

HUWAG

KAY ATE TET

KUYA FELIPE

MR. TULO

TET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with