^

True Confessions

Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-43 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM.Ang iba pang pangalan ay sadyang binago ng awtor.)

PARA makaganti, pumatol sa lalaking kasamahan sa banko si Ate Tet. Ibinigay nito ang sarili nang libre.

"Kung kaya ng demonyong asawa ko na mambabae, kaya ko ring manlalaki," sabi ni Ate Tet na parang pinigil ang paghinga. Hindi tumitingin sa akin.

"Paanong nangyari Ate?" nasasabik kong tanong.

"Lumandi ako. Nagbago ng image. Kung noon ay pakiyeme-kiyeme, naging bulgar ako sa pagsasalita. Malagkit kung tumingin sa lalaki. Nang-aakit."

"Tapos ’yung lalaking kasamahan mo sa banko ang nagustuhan mo?"

"Medyo. Guwapo rin kasi. Pero hindi naman actually na umibig ako sa kanya, ano lang para palipasan lang ng oras."

"Anong ginawa mong pang-aakit?"

"Tinatabihan ko kapag may ginagawa sa mesa niya. Ibinubukas ko ang tapat ng dibdib ko. Ipinakikita ang puno ng suso. Iyon na. Kumagat."

"Naano ka?"

"Oo. Nagmotel kami. Wala akong pagsisisi nang ibigay ko ang pagkababae. Nagrebelde na akong masyado. Hindi ko matanggap ang mga nangyari sa aking buhay. Wala na akong maisip na paraan kundi iyon."

"May asawa ang lalaki?"

"Meron."

"Ilang beses kayong nag-ano?"

"Hindi ko mabilang."

"Mabuti hindi nahalata ng mga kasamahan mo sa opisina na may relasyon kayo ng lalaki."

"Ewan ko kung nahahalata. Kasi’y may pagkakataong pinagtitinginan kami."

"Paano natapos ang relasyon?"

"Nagresign ang lalaki. Nag-abroad daw. Biglang-bigla!"

"Anong naramdaman mo?"

"Wala. Okey lang."

"Tapos wala nang sumunod na lalaki?"

"Meron pa. Isang dati kong kaklase sa kolehiyo. Naging kliyente namin. Pero hindi nagtagal ang relasyon namin. Nagtikiman lang kami."

"Pagkatapos ay sino ang sumunod?"

"Si Ipe na."

"Last na si Kuya?"

"Siguro."

Itutuloy

ANONG

ATE TET

BATAY

BIGLANG

MERON

PERO

SI IPE

TAPOS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with