Ang kasalanan ko kay kuya Felipe (Ika-19 labas)
August 1, 2004 | 12:00am
(Batay sa tunay na kasaysayan ng isang nagpapatawag sa pangalang JIM. Ang iba pang pangalan at lugar ay sadyang binago ng awtor.)
PERO kakaiba si Ate Tet sa mga babaing dinala ni Kuya Felipe sa aming apartment. Maganda ito at tipong may pinag-aralan. Hindi basta-basta ang dating ng personalidad. May tapang. Hindi tipong pokpok na katulad ng mga naunang dinala niya.
At sa lahat ng babae ito ang ipinakilala niya sa akin.
"Jimpoy si Ate Tet mo," sabi ni Kuya Felipe habang nakaakbay dito. Umaga iyon na papasok ako sa Magsaysay.
Kinamayan ko.
"Anong year ka na Jimpoy?" tanong ni Ate Tet.
"Third year po."
"Aba sa isang taon pala ay graduating ka na. Anong kukunin mo sa college?"
Si Kuya Felipe ang sumagot. "Engineering ang ipakukuha ko diyan."
"Pagbutihin mo ha? Mahirap kapag hindi natapos. Malamang na maging tambay."
"Matalino naman yan," sabi ni Kuya Felipe na tila proud na proud sa akin.
"At pogi ano," sabi ni Ate Tet. "Mukhang maraming paliligayahing babae ang batang ito."
"Mana sa pinsan," sabi ni Kuya Felipe.
"Yakk!"
Hanggang sa araw- araw ay makita ko nang lagi sa aming apartment si Ate Tet. Hindi naman ako makapagtanong kay Kuya Felipe. Wala akong karapatang magtanong dahil palamon lamang niya ako. Kung ano ang gawin niya, wala akong karapatang mag-usisa.
Sa umaga ay hindi ko alam kung sabay silang umaalis sapagkat mga alas-siyete lamang ay papasok na ako sa school. Sa gabi ko sila nakikitang magkasabay. Nang may isang buwan nang nakatira sa aming bahay si Ate Tet ay saka ko nakitang naka-uniporme pala ito pagpasok. Parang sa isang sekretarya ang uniporme.
Nakumpirma ko iyon nang minsang utusan ako ni Ate Tet na bumili ng sabon isang umaga ng Linggo.
"Jimpoy bili ka naman ng sabon at lalabhan ko lang ang uniporme ko."
"Ako nang maglalaba Ate Tet. May washing machine naman diyan," alok ko.
"Ako na dahil kinakamay ko yan. Naghihimulmol kasi sa washing machine. Kakahiya sa opisina namin kung makitang puro himulmol ang damit."
"Sa office ka ba Ate?"
"Oo. Sekretarya ako."
"Kaya pala maganda ka. Sekretarya ka pala."
Napangiti si Ate Tet.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended