^

True Confessions

Laro sa putikan (144)

- Ronnie M. Halos -
MABIBIGAT ang hakbang ko nang pumasok sa loob ng NAIA. Tila wala ako sa sarili nang kumuha ng boarding pass at maski nang nakapila na sa Immigration. Malungkot na malungkot ako. Kung maaari nga lang ayaw ko nang umalis. Mararamdaman ko na naman kasi ang hindi maipaliwanag na kahomsikan pagdating ko sa Riyadh. Mag-isa na naman ako sa aking kuwarto. Anim na buwan muli ang bubunuin o maaaring isang taon depende sa magiging sitwasyon sa ospital.

Nang mag-takeoff ang Saudia Airlines ay natutulog ako. Ang ibang pasahero ay napansin ko ring malulungkot lalo pa ang mga ama. Panibagong pakikipagsapalaran na naman para sa kanila. Siguro’y kapareho rin ng dasal ko ang kanilang dinadasal na sana’y matapos na ang paghihirap sa Saudi Arabia.

Walong oras ang nakalipas. Nasa Riyadh na kami. Pababa na nang pababa ang lipad ng Saudia. Hanggang sa makalapag sa King Khaled International Airport. Malamig ang panahon. Pebrero kasi noon kaya kumakapit ang lamig sa balat. Paalala ng stewardess na magsuot ng jacket sapagkat masyadong malamig ang temperatura. Kinuha ko ang jacket sa bag at isinuot. Ang jacket na iyon natatandaan ko ang binili pa namin ni Kuya Jeff sa Batha noong magkasama pa kami.

Nang maisuot ko ang jacket ay may nakapa ako sa bulsa niyon. Kinuha ko. Isang sulat na nakasilid sa sobre.

Galing kay Kuya Jeff. Palihim na isinilid sa bulsa ko.

Ibinalik ko ang sulat sa bulsa. Sa bahay ko na iyon babasahin. At least, mababawasan ang kahomsikan ko dahil may inaasahan akong balita galing sa kanya.

Mabilis akong nakatawag ng limousine (taxi) at nagpahatid sa aming housing.

(Itutuloy)

BATHA

HANGGANG

IBINALIK

KING KHALED INTERNATIONAL AIRPORT

KINUHA

KUYA JEFF

NANG

NASA RIYADH

SAUDI ARABIA

SAUDIA AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with