^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-141 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


"ANONG balak mo Kuya Jeff?" tanong ko dalawang araw makaraang ilibing si Ate Cora. Sa inuupahang bahay nila ako naroon. Wala naman akong ibang matutuluyan.

"Balak na paano?"

"Para sa inyong mag-aama."

"Tuloy ang buhay namin kahit wala na ang ate mo. Medyo magulo pa nga lang ang isip ko ngayon dahil sa biglaaan niyang pagkamatay."

"Kung may maitutulong pa ako, sabihin mo lang, Kuya Jeff."

"Nahihiya na nga ako sa iyo…"

"Puro ka hiya."

"Paano’y marami na akong nahinging pabor sa iyo."

"E sino pa ba ang tutulong sa inyong mag-aama ngayon kundi ako?"

Hindi nagsalita. Humakbang patungo sa may bintana. Napansin kong malaki ang ibinawas sa dati niyang matipunong pangangatawan. Hindi katulad noong magkasama pa kami sa Riyadh.

"Kung matutulungan mo ako, gusto ko sana konting puhunan sa tindahan. Nasimot ‘yung pera dahil sa pagpapagamot sa ate mo. Halos wala nang laman ang tindahan. Ayaw na akong bigyan nung Intsik na kinukunan ko ng paninda sa Divisoria," sabi nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Malakas kasi ang tindahan dito dahil nag-iisa pa lang sa kalyeng ito. Mabubuhay na kaming mag-aama. Maaaari ko na ring pag-ipunan ang pag-aaral nila sa kolehiyo."

"Huwag kang mag-alala at ako na ang sasagot sa pag-aaral ni Bunso," sabi ko.

"Salamat, Jean."

Humakbang palapit sa akin. Kaming dalawa lamang ang nasa bahay ng mga oras na iyon sapagkat pumasok na sa kanilang school ang dalawang bata.

"Matutulungan mo ba ako para maipagpapatuloy ko ang tindahan?"

"Oo naman, para yon lang. Noon pa nga kita hinihintay na humingi ng tulong. Kaso hindi ka man lang sumusulat."

"Tiniis ko."

Ako naman ang hindi nakapagsalita. Iniwasan kong magkasalubong ang aming tingin. Hindi ko makakaya. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin sa pagkakataong iyon.

"Gusto ko nga sa-nang tawagan ka kaya lamang, pinigil ko ang sarili. Sabi ko tama na ang nangyari. Mabuti naman at nakapagtiis ako. Kahit paano natupad ko ang pangako sa ate mo."

Tumutulo na naman ang luha ko. Nag-uunahang gumulong sa mga pisngi ko.

(Itutuloy)

AKO

ATE CORA

AYAW

BALAK

BUNSO

HUMAKBANG

KUYA JEFF

RIYADH

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with