^

True Confessions

Laro sa Putikan (Ika-89 labas)

- Ronnie M. Halos -
Kasaysayan ni Jean,isang nurse sa Riyadh,Saudi Arabia

(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)


SABIK na sabik akong makauwi sa Riyadh hindi katulad ng mga nakaraan kong bakasyon na halos ayaw ko nang umalis sa Pinas. Gusto kong makita si Kuya Jeff. Ang 45 araw kong bakasyon ay kumpara na yata ng isang taon o matagal pa. Parang ang tagal-tagal ko na sa Pinas.

Bago kami naghiwalay sa NAIA ni Ate Cora ay mahigpit ang bilin sa akin na subaybayan ang kanyang asawa. Inihatid nila ako sa airport.

"Sabihin mo kay Kuya Jeff mo, kung uuwi siya at kakaunti ang dalang dollar, huwag na lang umuwi."

Hindi na ako nagsalita. Tumango na lamang ako.

"Sige mag-ingat ka na lang sa Saudi. Pagbalik mo sana me asawa ka ng Kano. Huwag Arabo ha?" sabi ni Ate Cora bago ako tuluyang pumasok sa loob. Nakahinga ako nang maluwag ng nasa loob na.

May usapan na kami ni Kuya Jeff na susunduin niya ako sa King Khaled International Airport. Ibinigay ko ang petsa at oras ng pagdating ko. Bilin ko, huwag na huwag na hindi niya ako susunduin sa airport.

Nagmamadali ako sa paglabas sa KKIA. Nasa Immigration pa lamang ay sumisilip na ako sa dakong hintayan ng mga sasalubong.

Matapos mainspection ang aking bagahe, mabilis na akong lumabas.

Malayo pa ay natanaw ko na si Kuya Jeff. Nakatanaw na rin pala ito sa akin habang papalapit ako.

Nakangiti ito habang papalapit ako. Nang makalapit ay balak ko sanang halikan siya sa labi pero nakita ko ang isang airport police na nakatingin sa amin. Pinigilan ko ang sarili.

"Mamaya na lang," bulong niya sa akin. "Sabik na rin ako sa’yo," dagdag pa at ngumiti.

Napangiti rin ako.

May dalang sasakyan si Kuya Jeff. Nagtaka ako kung paano siya nagkaroon ng sasakyan.

"Kaninong sasakyan ito?"

"Sa kasamahan ko. Nagbakasyon din kasi sila ng "kabit" niya. Sa akin daw muna ito. Kaya may sasakyan tayo sa loob ng 45 days. Kahit saan puwede na tayong pumunta."

Second hand ang kotse pero BMW.

"Kumusta sa housing?" tanong ko nang makala- bas na kami sa compund ng KKIA at mabilis na tumatakbo sa highway na.

"Okey naman. Doon ako natutulog sa gabi."

"Walang problema?"

"Merong konti."

"Ano?"

"Yung dati mong kaibigan na si Remy nakita ako isang umaga. Tinanong ako kung magkaanu-ano tayo."

"Anong sagot mo?"

"Mag-asawa."

Natigilan ako. Tiyak na nakakalat na sa ospital ang balitang iyon.

(Itutuloy)

AKO

ANO

ATE CORA

HUWAG ARABO

KING KHALED INTERNATIONAL AIRPORT

KUYA JEFF

NASA IMMIGRATION

RIYADH

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with