^

True Confessions

Jamias (Ika-97 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 5 Command)

ITINALAGA sa Traffic Department ng Western Police District si Jamias noong October 2001. Malaki ang kanyang responsibilidad. Hindi birong hawakan ang isang malaking departamento. Pero dahil may determinasyon, ginampanan niya nang maayos ang iniatang na tungkulin.

Nagpatupad ng mga pagbabago. Unang sinampolan ang malalang traffic na araw-araw na lamang ay nangyayari sa harap ng Manila City Hall. Pinag-aralan ni Jamias ang problema. Matitigas ang ulong jeepney driver na nagbababa at nagsasakay ng pasahero kahit wala sa tamang lugar.

Pinalagyan niya ng kanya-kanyang lane ang mga dyipning biyaheng Quia- po, Sta. Cruz at Divisoria. Pagkatapos ay kinabitan ng iba’t ibang kulay na ribbon ang mga dyipni. Sa nangyari madaling makita ng mga traffic enforcer kung anong dyipni ang lumalabag. Kapag nawala sa lane ang isang may de-kulay na ribbong jeepney, madali na itong mahuhuli.

Dahil sa pamamaraang iyon, maraming jeepney drivers ang natuto. Unti-unting nawala ang buhul-buhol na trapik. Nawala rin ang mga barker na labis na kinatatakutan ng mga pasahero lalo na sa gabi.

Nagsulputan pa ang mga ideya ni Jamias sa iba pang matrapik na lugar sa Maynila. Siya ang nag-implement ng one-way sa may Old Sta. Mesa at nawala ang pagkabuhul-buhol.

Isa sa mga pinaka-matrapik ay ang Road 19 sa Moriones, Tondo. Nagsagawa siya ng masinsinang pagsasaayos at nagtagumpay siyang maalis ang nakaaasar na trapik. Nabunutan ng tinik ang mga motorista at mga pasahero.

Determinasyon lang at mahusay na plano ang pormula ni Jamias. Pero nalulungkot siya sapag-kat, ang sinimulan niya ay hindi na ipinagpapatuloy ngayon. Buhul-buhol at matrapik na muli sa tapat ng Manila City Hall, at sa iba pang lugar na pinangasiwaan niya.

(Itutuloy)

BUHUL

ELMER MEJORADA JAMIAS

JAMIAS

MANILA CITY HALL

OLD STA

PERO

POLICE SUPT

TRAFFIC DEPARTMENT

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with