^

True Confessions

Jamias (Ika-41 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

SA sinabi ni Elmer na magre-resign siya ay natigilan naman si Goody. Saka ay bigla itong umiyak. Na-realized siguro na mali rin ang kanyang pagtatampo. Nakatingin lamang si Elmer. Maya-maya ay nagtaas ng mukha si Goody.

"Sorry, Elmer nabigla lang ako. Unawain mo rin sana ako."

Sa pagkakataong iyon ay parang nabunutan ng tinik si Elmer. Alam naman niya na mabait at walang problema kay Goody. Siguro’y talaga lamang napuno na sa sunod-sunod na hindi pag-uwi ni Elmer dahil sa police operation.

"Next week, magli-leave ako. Mamamasyal tayo. Kakain sa labas, manonood ng sine, anumang gusto n’yo."

"Totoo?"

"Totoo po, Mrs. Jamias."

Niyakap siya ni Goody. Mainit. Damang-dama niya. Talagang mahal na mahal siya ng asawa.

Naalala pa niya ng panahon na muli silang magkita ni Goody. Akalain nga ba niya na ang babaing ito na crush niya noong nasa Araullo High School sila ay magiging kabiyak ng puso niya. Na dahil sa matinding pagmamahal sa kanya ay kinalimutan ang boyfriend nito na nasa United States at sa kanya nagpakasal. Ganoon siya kamahal. Binalewala ang iba dahil sa kanya. Sabi ni Goody noon sa kanya, "mas matimbang ka Elmer." Nawalan na ng komunikasyon si Goody sa boyfriend nito hanggang sa mawala nang parang bula. Kay Elmer Jamias pala siya babagsak.

Ang pagmamahalan nila ay nagbunga ng tatlong anak: Elmer Denmark, Venice at Elmer Denverko. Tatlong anghel na naghatid ng ligaya sa kanilang buhay.

(Itutuloy)

ARAULLO HIGH SCHOOL

ELMER

ELMER DENMARK

ELMER DENVERKO

ELMER MEJORADA JAMIAS

GOODY

KAY ELMER JAMIAS

MRS. JAMIAS

POLICE SUPT

TOTOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with