^

True Confessions

Jamias (Ika-2o na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

MULA nang mag-graduate sila ni Ding sa Araullo High School ay wala na siyang balita tungkol dito. Naisip ni Elmer na baka nag-abroad na ang kanyang kaibi-gan. At siguro rin, si Goody o si Segundina Ramirez ang napangasawa nito. Sayang! nasabi ni Elmer. Type talaga niya si Goody pero dahil kaibigan si Ding, nangi-mi siyang ligawan din ang magandang babae.

"Tumatanda ka na, Elmer kaya mag-asawa ka na. Bigyan mo kami ng apo," ng nanay niya.

"Hindi pa naman ako matanda Nanay. Saka wala pa akong makitang pumapasa sa panlasa ko," sagot niya. Hindi pa nga siya gaanong katanda para magmadali sa pag-aasawa.

Gusto rin niyang sabihin, na kung mag-aasawa siya ‘yung kamukha ni Goody ang gusto niya.

Walong buwan bago sumapit ang kanyang 26th birthday noong November 21, 1987, hindi akalain ni Elmer na makikita si Goody. Ang akala niya ay namamalikmata lamang siya at matagal na tinitigan ang babaing iyon na nasa labas ng Dizon Travel Agency sa Roxas Boulevard bago natiyak na si Goody nga iyon. Paano’y napaka-ganda. Lumutang ang Spanish beauty.

At kung may dapat siyang pasalamatan sa muling pagkukrus nila ng lan-das ni Goody iyon ay walang iba kundi ang mga rallyists sa harap ng US Embassy sa Roxas Boulevard. Dahil sa rally kaya naroon ang team ni Elmer.

(Itutuloy)

vuukle comment

ARAULLO HIGH SCHOOL

BIGYAN

DAHIL

DIZON TRAVEL AGENCY

ELMER

ELMER MEJORADA JAMIAS

GOODY

POLICE SUPT

ROXAS BOULEVARD

SEGUNDINA RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with