Maria Soledad (Ika-99 na labas)
July 29, 2003 | 12:00am
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
"ANG agang pinalitan si Inay, Ate Sol," dagdag pa ni Dang na hindi maitago ang pagkainis.
"Kailan pa?"
"Kahapon. Ang pagkaalam ko, nadampot sa club ang babae. Mukhang pokpokin."
Napabuntunghininga ako. Mas mabuti pa yatang lumayas ako na hindi nalaman ni Dang. Kahit saan ako magtungo ay nasusundan ng problema sa bahay.
"Baka hindi na ako tumagal sa bahay Ate. Tiyak ko, magiging madugo kapag si Ate Neng at ang asawa ni Tatay ang nag-away," sabi ni Dang at parang iiyak na.
"Sabi ko naman sayo Dang, hindi pa kita maaaring isama. Nag-aaral pa ako."
"Gusto kong magsarili na rin, Ate."
"Huwag mong gagawin yan."
Hindi sumagot si Dang.
Naghiwalay kami na malabo ang pag-uusap. Alam kong mabigat ang dibdib ni Dang. Nalilito na sa mga nangyayari sa bahay.
Sumunod na linggo ay hindi na kami nagkita ni Dang. Kinabahan na ako. Sumunod na Linggo ay hindi rin. Walang tawag. Lumipas ang isang buwan ay wala rin.
Hindi ko naman magawang magtungo sa tindahan namin sa palengke. Mas mahirap kung magkikita kami ni Ate Neng doon. Baka kung ano lamang ang mangyari.
Ipinalagay kong naglayas na si Dang at sadyang hindi ipinaalam sa akin ang kinalalagyan. Gumagawa ng sariling mundo niya. Gustong patunayan na kaya rin niya ang ginawa ko. Ang ikinatatakot ko ay baka kung ano ang mangyari sa kanya. May itsura rin si Dang at batambata pa.
Apektado ang pag-aaral ko kahit paano. Hindi ko naman nailihim ang problema kay Ate Josie.
"Me problema ka ba Sol?"
Hindi na ako naglihim pa. Mas maluwag sa kalooban kung naisi-share sa iba ang problema.
"Naglayas din ang aking kapatid at hindi ko alam kung nasaan. Natatakot ako na baka kung ano ang mangyari,"
"Huwag pawang negatibo ang isipin mo. Matalino ka pa naman. Sa halip na masama, mabuti ang isipin mo."
Naliwanagan ako.
(Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am