^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-93 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

WALA na ngang ibang magandang paraan kundi umalis o lumayas. Naisip ko, walang kapupuntahang maganda ang aking buhay kundi aalis at hahanapin ang kinabukasan sa sarili kong pagsisikap. Alam kong mahirap ang aking naiisip subalit maaari kong tiiisin iyon. Bakit ang iba na wala namang naabot sa pag-aaral ay nakayang makatayo sa sariling mga paa at nagtagumpay. Kaya ko rin iyon. Kung nakaya ng iba kaya ko rin.

Si Dang lamang ang inaalala ko. Kawawa naman ang kapatid ko.

Ilang buwan ang nakalipas, isang gabi, sinabi ko kay Dang ang aking balak sa hinaharap. Ayaw kong magising na lamang siya isang umaga o dumating galing sa school na wala na pala ako.

"Dang kung lumayas ako rito sa ating bahay, anong gagawin mo?"

Nakatitig lamang sa akin si Dang. Noon ay alas-otso ng gabi. Nag-aaral siya ng leksiyon samantalang ako ay naglilista ng mga bibil-hing paninda kinabukasan. Si Ate Neng at si Tatay ay nanonood ng TV sa ibaba.

"Balak kong umalis dito Dang. Hindi ko gustong ganito habampanahon. Wala akong kinabukasang hinihintay dito…"

"Naunahan mo lamang ako sa pagsasabi Ate," sabi ni Dang.

"Bakit?"

"Nang sabihin ni Tatay noon pa na hindi ka pag-aaralin, sasabihin ko sana sa iyo na umalis ka na rito. Maglayas ka na…"

Ako naman ang hindi makapagsalita. Mas advance talaga ang isip ni Dang. Mas nakakakita ng mga maaaring mangyari.

"Matalino ka naman, Ate Marisol kaya hindi ka maloloko. Maaari kang mag-aral sa pamamagitan ng pagpapaalila sa iba. Alam ko, kaya mo na ring mag-isa…"

"May naiipon na akong kaunti. Maaari kong gamitin sa pag-renta ng maliit na kuwarto kung sakali. Ang kailangan ko lang, makapasok sa isang unibersidad na tumatanggap ng mga estudyanteng empleado. Kahit na clerk o assistant sa library..."

"Tiyak kong may mga unibersidad na tumatanggap ng working student, Ate."

"Paano naman ikaw kapag umalis ako?"

"Huwag mo akong intindihin. Gawin mo kung ano ang naiisip mo."

"Tayong dalawa lamang ang nakaaalam nito Dang."

"Oo Ate. Malakas ang kutob ko, magtatagumpay ka sa binabalak mo."

(Itutuloy)

ALAM

ATE MARISOL

BAKIT

DANG

KONG

MAAARI

OO ATE

SI ATE NENG

SI DANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with