^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-92 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

SOBRA na ang kaapihang dinaranas ko. Ang akala ko, magkakaroon na ng pagbabago makaraang mangako si Tatay sa naghihingalong si Inay. Hindi pala. Mas lalo palang madilim ang hinaharap ko. Ang pangarap kong makapag-aral ay hindi pala magkakaroon ng katuparan. Hindi ko pala matutupad ang pangarap na maging nurse o broadcast journalist.

Nagulat ako nang makarinig ng yabag at kasunod ay ang katok sa pinto. Mabilis akong bumangon at binuksan iyon. Si Tatay ang nakatayo sa may pinto. Matigas ang mukha sa pagkakatingin sa akin.

"Si Neng muna ang mag-aaral. Pagkatapos niya, ikaw naman. Maliwanag?"

Maaari ba akong tumutol? Hindi. Tumango na lamang ako. Pagkatapos niyon ay umalis na si Tatay.

Hindi na ako nabigla sa kanyang sinabi. Naihanda ko na ang aking sarili sa mga sumusunod pa.

Pero nang gabing iyon ay isang balak ang nabuo sa aking isipan. Lalayas ako! Bahala na. Hindi na ako maaaring magtagal pa sa bahay na ito. Kung hihintayin ko pa na matapos na si Ate Neng, gaano pa katagal iyon? At gaano ako kasiguro na pag-aaralin nga ako ni Tatay? Kung sa kabila na nangako siya kay Inay bago ito mamatay, e hindi nito tinupad, sa akin pa kaya?

Mag-iipon muna ako ng pera mula sa kikitain sa pagtitinda sa palengke. Kapag may sapat na saka ako lalayas. Maaaring hindi na ako pakikialaman ni Tatay. Iyon naman talaga ang gusto niya ang mawala na ako. Matagal na niyang gustong mawala ako sapagkat hindi naman niya ako anak.

Subalit ang inalala ko ay si Dang. Paano naman kung iiwan ko siya. Kawawa naman.

Ganoon man, isinantabi ko ang problemang iyon. Sinabi ko kay Dang ang aking balak. Ayaw kong umalis na hindi niya alam.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE NENG

AYAW

BAHALA

INAY

PAGKATAPOS

SI NENG

SI TATAY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with