^

True Confessions

Maria Soledad - (Ika-91 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

"ME sasabihin lang ako Tatay," narinig kong sabi ni Dang. Nasa may pintuan ako sa second floor.

"Ano ‘yon?"

"Narinig po namin kanina habang nag-uusap kayo ni Ate Neng na hindi n’yo pag-aaralin si Ate Marisol..."

"Ano ngayon?" sarkastiko ang tanong.

"Tatay, sayang naman kung titigil si Ate Sol. Matalino pa naman siya."

Katulad ng aking kutob, hindi iyon magugustuhan ni Tatay. Kabisado ko na siya. Hindi siya marunong kumilala ng damdamin.

"Ako ba ay kinukuwestiyon mo, Dang?" mataas ang boses. Pikon na.

"Hindi po Tatay. Naaawa lang po ako kay Ate Sol..."

"Siguro siya ang nag-utos sa iyo para kuwestiyunin ako ano?"

"Hindi po Tatay. Ako lang po ang may gusto nito. Wala pong kinalaman si Ate Sol dito."

"Alam mo kayong dalawa ni Marisol napapansin kong parating kontrabida. Lalo na ikaw Dang, lumalaki kang matigas ang ulo, pilosopo at baligtad ang katwiran. Matagal ko na kayong napapansin. Huwag ninyo ako pipiliting dalawa at masama ang mangyayari sa inyo. Kung ano ang gusto kong gawin sa pamamahay na ito, siyang masusunod!"

Hindi ko mapigilan ang umiyak pagkaraan niyon.

(Itutuloy)

AKO

ALAM

ANO

ATE MARISOL

ATE NENG

ATE SOL

HUWAG

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with