^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-89 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)
HINDI ko maipaliwanag ang naramdaman sa pagkakataong iyon matapos kong marinig ang pinag-uusapan ni Tatay at Ate Neng sa salas. Ako ay nagtitiklop ng mga tuyong damit sa second floor subalit malakas ang kanilang usapan at dinig na dinig ko.

"Sayang naman kung hindi mo matatapos ang course mo. Gusto ko ay makapagtapos ka ng kolehiyo," sabi pa

"Paano si Marisol Tatay di ba magpi-first year din siya?"

"Alangan namang mauna pa siya e ikaw itong dapat matapos muna."

"Ano bang kukunin niya?"

"Ewan ko sa babaing ‘yan! Pakunin na lang ng 6-months vocational course."

"Matalino siya Tatay."

"Kahit na. Pera rin naman ang hahanapin di ba kahit mababa ang kinuhang kurso."

"Baka hindi siya pumayag?"

"Tatamaan siya sa akin. Magtinda na lang muna siya sa palengke."

Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod pang pag-uusap ng dalawa at mabi-lis akong pumasok sa kuwarto. Naroon si

Ibinagsak ko ang katawan sa kama at saka humagulgol ng iyak. Walang patlang.

"Bakit Ate Marisol?"

Patuloy ako sa pag-iyak. Iyak ng isang naapi.

"Anong nangyari?"

Tumigil ako sa pag-iyak. Umupo si Dang sa tabi ko.

"Bakit Ate?"

"Hindi ako pag-aaralin ni Tatay. Si Ate Neng daw ang pag-aaralin niya…"

"Huwag kang papayag Ate."

"Sasaktan daw ako kapag nagpumilit. Magtinda na lamang daw ako sa palengke."

Nabakas ko sa mukha ni Dang ang galit.

(Itutuloy)

AKO

ALANGAN

ATE NENG

BAKIT ATE

BAKIT ATE MARISOL

MAGTINDA

MARISOL TATAY

SI ATE NENG

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with