^

True Confessions

Maria Soledad (Ika-44 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Ang ilang pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may-akda sa pakiusap ng nagtapat.)

KAPAG pinapalo ako ni Tatay ay wala namang magawa si Inay. Kahit na sumigaw ako at umiyak nang umiyak ay hindi kumikilos si Inay para ako ipagtanggol sa malalakas na hagupit na tumatama sa puwit ko at madalas ay sa tagiliran at hita. Pero hindi ko binibigyang-pansin iyon. Siguro nga’y ganoon ang paraan ng pagdidisiplina ng ama sa kanyang anak. Pero ang ipinagtataka ko, bakit ako lamang ang kanyang pinapalo at hindi si Ate Neng na nagkasala rin naman.

Pero matitiis ko ang palo ng sinturon. Masakit lang naman iyon sa unang hagupit at paglapat sa balat pero kapag tumagal na, balewala na. Mag-iwan man ng latay ay babahaw din. Ang mas masakit ay kapag may dalang pasalubong si Tatay – siopao, kendi, hamburger, laruan – para kay Ate Neng. Ako wala.

"Tatay meron ba ako?" tanong ko at makikiagaw ako sa paghalukay sa nasa supot.

"Akin ‘yan!" bulyaw ni Ate Neng sa akin at aagawin ang supot.

"Tatay meron ba ako?" uulitin ko.

Hindi sasagot si Tatay. Nananatiling nakaupo. Si Inay kapag ganoon na ang sitwasyon ay pupunta sa kusina. Doon ako unti-unting magkakaroon ng awa sa sarili. Bakit laging si Ate Neng na lamang? Hindi pa rin maabot ng isipan ko ang lahat. Basta ang alam ko, awang-awa ako sa sarili.

Kapag hindi ko na matiis ang pagkaawa sa aking sarili ay papasok ako sa kuwarto at isisiksik ang sarili sa sulok at saka iiyak nang tahimik. Ganoon nang ganoon at wala naman akong marinig kay Inay. Tahimik lamang siya. Walang anumang ginagawa para mabigyan ako ng parehas na pagmamahal mula kay Tatay.

Hanggang sa isilang ang bunso kong kapatid na si Dang. Palibahasa’y malapit ang agwat ng edad namin, kami ang naging malapit. Si Ate Neng ay naging kontrabida sa aking buhay. Lahat ng kilos ko ay isinusumbong kay Tatay. Kahit na hindi naman ako nakagawa ng kasalanan, isinusumbong pa rin.

At kapag hindi na ako nakatiis, mag-aaway kami. Na sa dakong huli ako rin ang mali. Ako ang mumurahin at kahit na malaki na ay papaluin. (Itutuloy)

AKO

ATE NENG

BAKIT

INAY

KAHIT

PERO

SI ATE NENG

SI INAY

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with