^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-83) Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

TIYAK ko, hindi alam ni Ate na ako ang "taong" pumasok sa kanilang opisina kanina at nakasaksi sa "lihim". Aakalain marahil na diyanitor o guwardiya. Wala akong magagawa sapagkat kailangan ko ng pera. Kailangan ko si Ate.

Mabilis akong pumara ng dyip patungong Pasong Tamo St. Mula sa Pasong Tamo ay lalakarin ko na lamang ang condo.

Nagtaka ang yaya ng aking pamangkin sa bigla kong pagsulpot sa condo. Hindi inaasahan na pupunta ako. Iyon ang ikalawang pagpunta ko sa condong iyon. Nasa 15th floor. Fully furnished.

"Wala pa si Ate Mina, Ate Gina," ate rin ang tawag sa akin ng yaya na ang pangalan ay Edith. Nung una ay ayaw pa niya akong tawaging ate dahil ma-rahil isa akong tomboy pero nasanay din.

"Dito na ako matutulog, Edith," sabi ko. "Anong oras pa darating si Ate?"

"Mamaya pa yon Ate, kapag ganitong Biyernes ay nag-oovertime siya. Mga 10 daw siya darating." Tumango na lamang ako. Nag-oobertaym nga si Ate pero obertaym sa pakikipag-sex.

"Kumain ka na Ate?" tanong ni Edith.

"Hindi pa."

Ipinaghain ako.

Sa sopa na lamang ako natulog. Dakong alas-onse ay naramdaman ko ang pagdating ni Ate. Hindi nagtaka nang makita ako. Alam na niya na kapag naroon ako, pera ang dahilan.

Kinabukasan, ay hindi ko na kailangan pang magsabi. Kusa na akong binigyan ni Ate. Matapos akong bigyan ay nagtanong, "May balita ka ba sa probinsiya"

"Tungkol sa asawa mo at kay Inay?"

"Oo."

"Wala."

"Akala ko meron."

Hindi ako makatingin ng tuwid kay Ate. Parang nahuhulaan niya na ako ang "taong" nakakita sa kanila habang nagsi-sex sa loob ng opisina. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ATE

ATE GINA

ATE MINA

GINA

HONG KONG

PASONG TAMO

PASONG TAMO ST. MULA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with