^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-51 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

PAALIS na ako nang makita ang isang kahang sigarilyo malapit sa may TV. Nagtaka ako sapagkat hindi naman naninigarilyo si Ate. Ganoon man hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Isa pa’y parang inaapura na ako ni Ate para umalis.

"Mahirap sumakay dito kapag ginabi. Lumakad ka na," sabi pa at ito na ang nagbukas ng screen door. Lumabas na ako sa gate.

Sa paglabas ay nakita ko muli ang bagong kotseng nakaparada. Nilampasan ko na lamang iyon at naglakad patungo sa sakayan ng dyipni.

Nawala na sa isipan ko ang mga kakatwang napansin ko sa bahay ni Ate. Ba’t ko pa ba iisipin iyon. Hindi na ako dapat mag-isip pa nang mag-isip nang kung anu-ano. Kargado na sa maraming isipin ang utak ko mula noong high school. Puro problema na hindi ko alam kung may kalutasan. Nagsimula ngang gumulo nang matuklasan ang masamang "bangungot" na inihatid ni Inay at Rocky sa aking buhay. Naging magulo ang isip ko. Nawala sa direksiyon. Puro pagtatago at takot na kung matuklasan nina Tatay at Ate ang ginagawa nina Inay at Rocky ay magkaroon ng masamang bunga. Ako ang nagpasan ng problema. Ewan ko! Siguro nga’y napansin ni Jean ang mga pagbabago sa akin kaya nang hiwalayan niya ako, sinabihan akong "sira-ulo". Ang sakit! Akala ko’y mabuting "kaibigan" si Jean. Hindi pala!

Para patunayan kay Jean na hindi lamang siya ang babae, pinormahan ko ang aking ka-boarder na si Chona. Hindi naman kagandahan si Chona pero maganda ang hubog ng katawan. Kayumanggi. Malalaki ang "papaya". Nag-aaral ng Tourism. Taga-Tabaco, Albay. "Sili" kung tawagin sa boarding house namin. Marami kasi ang nag-akala na basta taga-Bicol e mahilig sa sili.

"Hindi ako mahilig sa sili no?" sabi minsang nagkukuwentuhan kaming magkaka-boardmate.

"Di hindi ka malibog?" sabi ng isang pilyang kaboardmate.

"Konti."

"Bakit konti?" tanong ko.

"Basta. Konti lang."

"Oooyyy. Tinatanong ni Gina. Subukan mo na si Chona kung hanggang saan ang kanyang ‘L’."

Hagalpakan ng tawa. Namula ang pisngi ni Chona. Hindi makatingin sa akin. Halos lahat ng nasa boarding house ay alam na "T-Bird" ako. Hindi ko na inilihim. Para ano pa e mabubuking din naman. Pati nga ang relasyon ko kay Jean ay alam na nila. Mga tsismosa ang mga kasamahan ko.

Naging mag-on kami ni Chona. Mali ang sinabi niyang konti lang ang "L" niya. Mahilig siya. Mas mahilig pa kay Jean. Mainit pa sa siling labuyo. (Itutuloy)

AKO

CHONA

GINA

HONG KONG

INAY

KONTI

NAWALA

PURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with