^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-14 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

DAHIL bata pa ako, hindi ko mabigyan ng masamang kahulugan ang mga napapansin kay Inay mula nang maging mag-asawa sina Ate Mina at Rocky. Naging lalo pang maboka at palatawa si Inay mula nang madagdagan kami sa bahay. Noong kami lamang apat, ako, si Inay, Tatay at Ate ay hindi naman ganoon kalakas humalakhak si Inay. At mas lalong mataginting ang tawa kapag silang dalawa lamang ni Rocky ang nag-uusap. Madaling patawanin si Inay. Nakuha agad ni Rocky ang kalooban ni Inay sa loob-loob ko lamang. Madaling nakapalagayang-loob.

Likas na marahil kay Rocky ang pagiging makuwento kaya madali siyang makaakit sa sinumang tao kahit na una pa lamang niyang makilala. Malakas ang PR niya sa madaling salita. Siya ang taong hindi nauubusan ng mga ikinukuwento. At hindi nga ako magtataka kung bakit niya mabilis na napasagot ang isang katulad ni Ate na medyo may pagkakonserbatibo at suplada. Matinik sa chick si Rocky. Matamis ang dila kaya madaling makaakit ng babae. Pero ba't pati si Inay?

At aywan ko kung napapansin na ni Itay ang mga papuri ni Inay kay Rocky. Kung noong hindi pa nakakasal sina Ate at Rocky ay malaki ang galit ni Inay dahil sa biglaang pagbubuntis, kabaligtaran ang nangyari.

"Mabait pala 'yang si Rocky," narinig kong sabi ni Inay kay Tatay. Nasa salas kami at nanonood ng TV. Sina Ate at Rocky ay nagpunta sa bahay ng ina.

Nakatingin si Tatay sa pinanonood at pakiramdam ko'y walang reaksiyon sa sinasabi ni Inay. Itinuloy ni Inay ang pagsasalita. "Ibinili ako ng imported na wallet. Nung nakaraan e pabango ang ibinigay. Ikaw me ibinibigay ba sa'yo?" tanong kay Tatay.

"Binigyan ako ng sinturon. Sabi ko ba't gumastos pa siya e may bago pa naman ako," sagot ni Tatay.

"Napaka-walang gana mo namang bigyan. Dapat matuwa ka at mayroon kang manugang na maaalalahanin."

Tiningnan ko si Inay. Wala na nga ang nadama niyang pagkapoot kay Rocky. Matamis nga siguro ang dila ni Rocky kaya kahit ang matigas na si Inay ay kanyang napalambot. (Itutuloy)

vuukle comment

ATE MINA

GINA

HONG KONG

INAY

MADALING

MATAMIS

ROCKY

SINA ATE

TATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with