^

True Confessions

Koronang tinik (Ika-3 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Gina, isang domestic helper sa Hong Kong. Ang mga pangalan at lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago sa pakiusap ni Gina.)

NANGINGIBABAW ang ungol at daing ng aking ina. Nanuot sa aking mga taynga na lalo pang nagpatigil sa ikot ng mundo. Ganoon pala ang nangyayari sa isang nakakita sa isang hindi inaasahang tanawin. Hindi ako makakilos at hindi malaman ang gagawin. Aakalain ko bang ang makikita sa kuwarto ay ang pagsasalo sa bawal ng aking ina at ang aking bayaw! Malaswang tanawin! Dalawang hubad na katawan na idinadaos ang init sa ganoon kaagang oras? Wala silang kamalay-malay na may nakakita sa ginagawang kahalayan.

Hindi ko nakaya ang tagpong iyon at sa pagbabalik ng aking katinuan ay mabilis akong nakaalis sa pagkakadunghal sa kuwarto. Mabilis na nakababa sa bahay at nakalabas ng gate. Nakarating ako sa school na hindi ko namalayan kung paano ako nakalakad nang mabilis at nakarating sa aming classroom. Tuluy-tuloy akong umupo.

Ang tagpo pa rin sa kuwarto nina Ate ang nanatili sa aking isipan. Dalawang hubu’t hubad na katawan na abala sa pagsimsim ng bawal. Hindi ko nakayanan ang tagpo at bumunghalit ako ng iyak. Todo ang aking pag-iyak. Kung gaano iyon katagal ay hindi ko alam. Basta ang alam ko’y lumapit sa akin ang guro at ang ilan pang kaklase kong babae.

"Anong nangyayari Gina?" tanong ng aking gurong si Mrs. Cruz. Nasa boses nito ang takot.

Hindi ako umimik at nagpatuloy sa pagnguyngoy. Sumubsob ako sa sulatan ng upuan at nabasa ang notebook nang masaganang luha na umagos sa aking mga mata.

"May sakit ka ba?" tanong na muli ni Mrs. Cruz na ang boses ay lalo pang nahalinhan ng takot.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa pag-iyak. Ang naaalaala ko ay si Ate at ang aking ama. Ano ang mangyayari sa kanila ngayong may nangyayari palang hindi maganda sa aming bahay. Paano ang aking gagawin ngayong nakita ko na ang masamang ginagawa ni Inay at ng hayop kong bayaw. Ibig kong magunaw na ang mundo para matapos na ang lahat –para wala nang problema. (Itutuloy)

vuukle comment

AAKALAIN

AKING

AKO

ANO

ANONG

DALAWANG

GINA

HONG KONG

MRS. CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with