Tinapos ang Bonnet Gang (Ika-58 labas)
December 12, 2002 | 12:00am
True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding officer ng WPD-Mobile
HINDI namalayan ng mga miyembro ng Bonnet Gang ang pagsalakay ng team ni Sapitula sa Holy Spirit, Fairview noong April 30, 1999. Dakong alas singko ng umaga ay nakubkob na nina Sapitula ang lugar. Sa isang compound nakatira ang mga miyembro ng Bonnet Gang.
Unang pumasok si Sapitula sa bahay habang ang kanyang mga tauhan ay naka-posisyon. Nakahanda ang mga ito sa anumang mangyayari. Kasunod ay ang pagkakasa ng baril at ang malalakas na sigawan. Hindi nakaporma ang mga halang ang kaluluwa. Namumutla ang mga ito sa takot. Hindi akalain na madaling matutunton ng pulisya ang nasabing lugar sa Fairview. Anim na miyembro ng Bonnet Gang ang bitbit nina Sapitula palabas.
Naaresto sina Alex Gardon, Isaac Nala, Isagani Nala, William Mondejar, Eugene T. Perlas at Jimmy C. Pahamustan. Nakumpiska sa kanila ang ibat ibang kalibre ng baril at iba pang exposives. Kinasuhan sila ng illegal possession of firearms ang explosives at robbery with homicide.
Hustong ika-siyam na araw ng burol nina "Batman and Robin" ay bumagsak ang kanilang killers. Naigawad ang hustisya sa dalawang pulis.
Ang asawa ni PO3 Maximino Mendoza ay hindi naman nakalilimot kay Sapitula. Tuwing dumarating ito galing sa probinsiya ay maraming pasalubong para sa kanya. Hindi malimutan ang kagandahang loob ni Sapitula. Tumatanaw ng utang na loob. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended