'Binunggo namon an duha nga pulis' (Ika-55 labas)
December 9, 2002 | 12:00am
True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.
HABANG nakaburol sina "Batman and Robin" ay nakipag-ugnayan si Sapitula sa hepe ng DISU na si Supt. Laciste at ganoon din sa Homicide Division para sa madaling ikadarakip ng mga miyembro ng Bonnet Gang. Binigyan niya ng order ang lahat mga kagawad ng Mobile Division na gawin ang lahat ng paraan para makakuha ng mahahalagang impormasyon sa Bonnet Gang.
Ikatlong araw ng burol nina "Batman and Robin" ay may nasinag ng liwanag si Sapitula tungkol sa Bonnet Gang.
Sinabi sa kanya ng isang magaling na pulis na nagngangalang SPO2 De Castro aka "Pinong" na may isang tinedyer na lalaki ang nakakaalam sa kinaroroonan ng mga miyembro ng Bonnet Gang.
"Positibo ba yan Pinong?" tanong ni Sapitula.
"Sinubaybayan ko ang tinedyer. Isa siyang Bisaya. Palagay ko nagsasabi ng totoo. Nagbebenta siya ng mga sasabunging manok."
Dalhin mo rito."
Kinabukasan ay dala ni Pinong ang tinedyer. Pagkatapos maiharap kay Sapitula ay dinala nila sa opisina ni WPD Director Efren Fernandez. Doon ay inilahad ng tinedyer ang mga narinig niya sa mga miyembro ng Bonnet Gang.
Ayon sa tinedyer bumili ng sasabunging manok ang dalawang lalaki at habang nag-uusap (Bisaya ang dialect) ay narinig niya na pinag-usapan ang dalawang pulis na niyari nila.
Hindi doon ang unang pagkarinig niya. Habang kumakain din daw umano ang dalawang lalaki sa katabing karinderya ay naulinigan niya ang usapan tungkol sa dalawang pulis sa WPD na kanilang sinagasaan. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended