Dalawang parak nalagas (Ika-53 labas)
December 7, 2002 | 12:00am
(True to life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula,Commanding Officer ng WPD-Mobile.)
DALAWANG masisipag at dedikadong pulis na nasa ilalim ni Sapitula ang napalaban sa mga halang ang kaluluwang miyembro ng Bonnet Gang noong April 21, 1999. Nagresponde sina PO3 Maximino E. Mendoza at PO2 Ronaldo C. Reyes sa nakawan sa San Andres St. Malate, Manila dakong alas-tres ng hapon. Nakatanggap sila ng tawag na hinoholdap ang F&A Money Changer sa nabanggit na lugar.
Sakay ng Mobile Car #337, mabilis na nagtungo sina Mendoza at Reyes sa San Andres. Subalit hindi pa sila gaanong nakalalapit sa hinoholdap na money changer, inulan na sila ng bala mula sa matataas na kalibreng baril. Nasapol ang dalawa at bumulagta sa kalsada.
Mabilis na sumakay sa kanilang van ang pitong miyembro ng Bonnet Gang. Subalit bago tumakas, sinagasaan pa ang dalawang pulis. Siniguradong patay. Nagtatawanan pa umano ang grupo habang papaalis.
Nang malaman ni Sapitula ang pangyayari ay nanlumo siya. Nagngalit ang kanyang mga ngipin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am