^

True Confessions

'Sinagot sa dalangin' (Ika-39 labas)

- Ronnie M. Halos -
True-to-life story ni P/Supt. Romulo E. Sapitula, Commanding Officer ng WPD-Mobile.

ISANG tanghali, araw ng Sabado, habang nagpapahinga sa kanilang bahay si Sapitula ay nakita niya ang maraming bulaklak ng bougainvilla na inihahagis mula sa kanilang bintana. Ang mga bulaklak ay walang tigil sa pagbagsak sa sahig malapit sa kanyang paanan. May mga kasamang dahon ang bulaklak na halatang pinigtal sa sanga. Alam niya, marami silang tanim na namumulaklak na bougainvilla na nasa tapat ng bintana. Hindi nakakilos si Sapitula sa pagkakaupo. Matagal niyang inisip kung ano ang kahulugan ng pagbagsak ng mga bulaklak ng bougainvilla. Iyon na kaya ang palatandaang hinihingi niya kay Santa Rita para mabigyang katarungan ang kanilang kaso sa Robinson’s shootout? Siyam na araw na siyang nagnonobena.

Nang tumigil ang pagbagsak ng mga bougainvilla ay saka lamang nahimasmasan si Sapitula. Tumayo siya at sumilip sa bintana. Nakita niya ang tatlong anak na sina Roma, Ralph at Roemiko na may mga hawak na bulaklak ng bougainvilla at nilalaro ang mga iyon. Nang makita niya ang kanyang mga tanim na bougainvilla ay halos maubos ang mga bulaklak. Ganoon ba kabilis pumutol ng tangkay ang kanyang mga anak at saka ihahagis sa bintana na umabot sa kanyang paanan? Nakaramdam ng kilabot sa katawan si Sapitula. Nanindig ang kanyang balahibo. Ang kanyang mga anak ay patuloy sa paglalaro at hindi nalalaman ang mga nangyayari na itinuturing niyang kababalaghan.

Sa ganoong sitwasyon siya nakita ng asawang si Eleonor. Galing ito sa kusina. Nagtaka si Eleonor nang makita ang mga nakakalat na bulaklak sa sahig.

"Saan galing ang mga ‘yan?"

"Hindi ko alam. Baka inihagis ng mga bata."

"Ang dami niyan."

At naalaala ng kanyang asawa ang ginagawa niyang pagnonobena kay Santa Rita.

"Ikailang araw na ng nobena mo?" tanong nito.

"Siyam."

Ang pagkamangha sa mukha ng kanyang asawa ay lumarawan. Iisa sila ng naiisip. Ang mga bulaklak na iyon ang palatandaan ng kasagutan ni Santa Rita.

Sumunod na linggo ay lumabas ang desisyon ni Judge Floro ng RTC Branch 2 ng Maynila sa kaso nina Sapitula. Absuwelto sila. Nilinis ang kanilang mga pangalan.

(Itutuloy)

BULAKLAK

COMMANDING OFFICER

ELEONOR

JUDGE FLORO

KANYANG

NANG

SANTA RITA

SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with